May Dinadala
Title: May Dinadala
Abstrak
Abrahan, G.L.C. V (2013). May Dinadala. Unpublished Undergraduate Thesis, University of the Philippines College of Mass Communication.
Maikling pelikula ang MAY DINADALA tungkol sa isang lalaking may kalaguyong engkanto habang ipinagbubuntis ng kaniyang asawa ang kanilang panganay. Tangka ng proyektong makapagdulot ng danas ng hiwaga na lihis sa inaasahang danas na tigib sa pangamba. Tangka ring ilihis mula sa danas na makababalaghan, bagkus mailapit ang danas mula sa nakasanayang pagdidistansiyang resulta ng takot sa mga imahen mahiwaga sa kasaysayan ng pelikulang Filipino.
Sinisiyasat ng pelikula ang kakayahang marebisa ang mahiwagang nakaugat sa mitolohiyang Filipino sapagkat sa pag-iimahen ng ating media ay nasasadlak sa napakakitid na kategorya ng kababalaghang horror. Ginagamit na ang mga elementong mahiwaga upang bumuo ng naratibo sa mga pelikulang nagpapatawa subalit hindi pa rin ito makatarungang pagsasa-imahen sa mahihiwagang nilalang ng ating mitolohiyang pambayan. Sa pelikulang ito, melodramatikong estilo ang kinakasangkapan upang maglahad ng mas sensitibong danas ng mahiwaga sa pelikula. Nakatuon ang naratibo sa isterya ng tunggalian ng isang mag-asawa habang kapuwa pinipigil ng mga tauhan ang tulak ng lunggati at pagnanasa. Bagaman maraming pagkakataon ng pagsabog ng damdamin ay bahagi rin ng proyekto ang pagsisikil ng sakit na dinaranas ang mga tauhan, hanggang naiuumang na ang karahasan at pananakit sa kanilang sarili.
Key Words: Folk mythology, Monsters, Fantasy, Horror, Melodrama