Makabagong Dona Victorina
Abstract
Vidal, L. C. D. (2014). Makabagong Doña Victorina: Konsumerismong Pag-aasal na Bunga ng Kasaysayan at Identifikasyon ng Pilipina sa Skin Whitening Commercials. Unpublished Undergraduate Thesis. College of Mass Communication University of the Philippines Diliman.
Tinalakay sa pananaliksik na ito ang pagsasakonteksto sa nararanasang identifikasyon ng kababaihang Pilipino sa mga whitening commercial at ang paglikha ng konsumerismong pag-aasal na pagtangkilik sa whitening products.
Inilahad ko ang kasaysayan ng pagpapaputi at kung ano ang naging resulta nito sa pag-iisip ng kababaihang Pilipino. Tinalakay ko ang pagbuo sa social script ng mga Pilipina tungkol sa konsepto ng kaputian. Ito ang magsisilbing tulay na magdurugtong sa nakalipas na halos tatlong daang taon ng kolonyalismo sa kasalukuyang panahon.
Ipinaliwanag ko ang identifikasyon batay sa karanasan ng mga Pilipina at kung paano ito nakalilikha ng ugnayan sa pagitan ng midya at manonood at ng kapangyarihan. Natuklasan kong ang pagsasanib-pwersa ng kasaysayan at identifikasyon ay lumilikha ng konsumerismong pag-aasal.
Upang maunawa ito, isinalang ko sa isang ginabayang panayam ang sampung dalaga at sampung inang Pilipina. Mahalagang bahagi ng pag-aaral na ito ay ang paglikha ng metodong nasa oryentasyong Pilipino.
keywords: identifikasyon, consumer behavior, social context, Filipina