Lokasyon sa dislokasyon

From Iskomunidad

Lokasyon sa Dislokasyon


ABSTRACT

Ito ay tungkol sa buhay at pakikibaka ng mga residente sa relocation sites sa perspektiba ng isang lokal na organisasyon, ang SARA (San Andres Relocatees Association) sa kasagsagan ng kanilang paghahanda para sa pagdalo sa pagkilos sa ikalawang SONA (State of the Nation Address) ng pangulong Noynoy Aquino. Ang SARA ay organisasyon ng mga relocatee mula sa San Andres, Manila na walong taon nang naninirahan sa Kasiglahan Village 1, isang relocation site na matatagpuan sa Brgy. San Jose, Rodriguez, Rizal.

Ito ay hindi lamang simpleng pagsilip sa kanilang aping kalagayan kung hindi, higit sa lahat, pagsipat sa kung paano tinutuntong muli nilang mga itinaboy ang kanilang puwang sa lipunan sa pamamagitan ng pakikibaka para sa kanilang mga karapatan. Subalit katulad ng paglalakbay at pag-ayon sa bagong kinalalagyan, masalimuot din ang proseso ng paglaban. Gayunpaman, ipinipakita dito na hangga’t may dayalogo at tunggalian, posible ang paglaban at pagbabago.


De Guzman, K.D.B. (2011), Lokasyon sa Dislokasyon. Unpublished Undergraduate Thesis, University of the Philippines College of Mass Communication.

Keywords: Relokasyon, Maralitang-lungsod, Paninirahan, Demolisyon, Kababaihan, Tunggalian, State of the Nation Address

View Thesis: Lokasyon sa Dislokasyon

Subject Index : Relocation(Housing) , Forced migration