Ipinanganak Na Nakayapak
ABSTRAK
Ang Ipinanganak na Nakayapak ay tungkol sa isang manggagawa sa konstruksyon ng isang gusali na nahanap na ang kanyang ritmo sa buhay, masayahin at nakaiigpaw sa mga problema at kahirapan sa araw-raw. Nang siya ay mahulog habang naghahanapbuhay siya ay nagpunta sa ospital kung saan hindi siya makapasok dahil sa napakababaw na dahilan.
Tangka ng pelikula na bigyan ng humanistikong pagtingin ang mga manggagawa. Tangka rin nitong ipakita na sa kahit ano pang pasusumikap nila ay darating at darating ang panahon na sila'y malulugmok gawa ng mga tao o institusyon na siya pa mismong dapat ay tumutulong sa kanila. Ninanais din nitong hubarin ang kadena ng hindi pagkakapantay-pantay bago pa maubusan ng dugo.
Manongdo, J.A.A. (2014). Ipinanganak Na Nakayapak. Unpublished Undergraduate Thesis, University of the Philippines College of Mass Communication.