Bangkang papel
BANGKANG PAPEL (Paper Boat)
Musa, M.G. (2018). BANGKANG PAPEL, Unpublished Undergraduate Thesis, University of the Philippines Diliman
Binibigyang-kritisismo ng tesis-pelikulang Bangkang Papel (Paper Boat) ang kakapatupad lang na Tax Reformation for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law, sa pamamagitan ng pagpapakita ng epekto nito sa mga marhinalisadong sektor sa ating lipunan, gaya ng mga mangingisda. Nais ipahayag ng tesis na ito na ang bagong reporma sa pagbubuwis ay naging dagdag pasanin lamang sa mga mangingisda dahil itinaas nito ang presyo ng gasolina at ng mga bilihin.
Ang pahayag na ito ay sinikap itawid sa pamamagitan ng kuwento ng isang batang babaeng napiling kinatawan ng kanilang paaralan sa isang Math contest. Problema nila ng kaniyang nanay na mangingisda ang registration fee dahil marami pang mga gastusin at tumataas ang presyo ng mga bilihin. Susubukang isolve ng anak ang mga math problems sa kanilang buhay pero malalaman niyang hindi madaling isolve ang mga mabibigat na math problems ng buhay, kagaya ng kawalan ng katarungang panlipunan.
Ang implikasyon ng nasabing reporma sa mga mangingisda ay isang manipestasyon ng ipinanukalang Conflict Theory ni Max Weber. Nakasaad dito na ang lipunan ay patuloy na nakararanas ng kahirapan dahil kinokontrol ng mga mayayaman at makakapangyarihan ang lipunan upang mapanatili ang kasalukuyang kawalan ng katarungan, sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga batas na mangangalaga sa kanilang mga interes (Trubek, 1972).
Keywords: Bangkang Papel, Paper Boat
View Thesis: File:Bangkang Papel ni Maria Graciella Musa.pdf