Araling Pilipino

From Iskomunidad

Ang kursong B.A. Araling Pilipino (Philippine Studies) ay isa sa mga degree program na inaalok ng Departmento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas (Departmento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas).

Natatangi ang B.A. Araling Pilipino sa pagsasanay ng estudyante sa interdisiplinari na pag-aaral ng kultura at lipunang Pilipino. Pang-apat na taong programa ito na mangangailangan ng 138 na yunit sa mga kursong pang-major at pangkalahatang edukasyon.

Nakaangkla ang programa sa mga susing kursong interdisiplinari at mga sandigang kurso sa wika, panitikan at kasaysayan sapagkat itinuturing ang mga ito na tagapagdala ng kultura sa kabuuan. Sa tulong ng isang tagapayo, makakapagdisenyo ang estudyante ng sariling programang naaayon sa kanyang interes. Bukod sa mga susing kurso, pipili ang estudyante ng alinmang dalawang disiplina mula sa Arte at Literatura, Agham Panlipunan, Community Development, Economics, Fine Arts, Islamic Studies, Mass Communication, Music at iba pa para bumuo ng 39 yunit ng mga kursong pangmajor.

Panghuling kailanganin ang pagsulat ng isang tesis na gumagamit ng interdisiplinaring lapit sa isang natatanging problema, aspeto, at isyu sa lipunan at kulturang Pilipino.