Anyo ng Mapanuring Pag-iisip at Kompas na Pangmoral sa Philo 1

From Iskomunidad

ABSTRAK

Nagiging hayag ang anyo ng mapanuring pag-iisip sa pilosopiya sa pagtalakay ng mga konsepto, prinsipyo, at suliranin sa mga larangang tulad ng pilosopiya ng wika, epistemolohiya, pilosopiya ng agham, lohika, at etika. Natatangi ang pagtalakay ng pilosopiya sa mga larangang ito dahil sa kalikasan ng mga tanong at pagtatanong kaugnay nito. Sa pagtalakay sa mga larangang ito, tila inaakay ang mga mag-aaral na magkaroon ng husay at talas ng pag-iisip sa pamamagitan ng argumentasyon at pangangatuwiran.

Sa pamamagitan ng pagtalakay sa larangan ng etika, nagkakaroon ng mas malawak na balangkas ang mga mag-aaral hinggil sa mga isyung moral. Nahahasa ang kanilang kakayahang himayin at suriin ang mga nasabing isyu sa konteksto ng mga teoryang etikal.

Bukod sa dayalektikang lapit, naibabahagi sa mga mag-aaral ang natatanging anyo ng mapanuring pag-iisip at kompas na pang-moral sa Pilosopiya 1 gamit ang iba’t ibang pamamaraan. Ilan dito ang pagsusuri ng mga artikulo sa pahayagan, pag-aanalisa ng napapanahong isyu, debate, panonood ng piling pelikula o dokumentaryo, at iba pa.


Komite sa GE, Departamento ng Pilosopiya

This vodcast is part of the UPD General Education Conference 2012