Araling Pilipino 12
Ang Araling Pilipino 12 ay isa sa mga kurso na inihahandog ng Departmento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas na napapabilang sa mga kursong maaaring pag-aralan sa ilalim ng Revitalized General Education Program o Revitalized General Education Program. Ito ay kabilang sa Arts and Humanities Domain ng nasabing Programa. Ang kursong ito ay maaaring isama sa mapagpipilian ng mga mag-aaral para sa 6 yunits ng required courses na Philippine Studies.
Buong Pangalan ng Kurso
Araling Pilipino 12: Suroy-Suroy sa Wika, Panitikan at Kultura sa mga Isla ng Luzon, Visayas at Mindanao
Deskripsiyon ng Kurso
Mga panimulang pag-aaral sa mga wika, panitikan at kultura sa Pilipinas at ang kaugnayan at ambag nito sa kalinangang pambansa sa kapuluan.
Pre-requisite: Wala
Kredit: 3 yunit
Layunin
Layunin ng kurso:
- Masuri ang pinagmulan, sangkap at pag-unlad ng mga wika, panitikan at kultura mula sa mga rehiyon ng Pilipinas;
- Matukoy ang pagkakatulad ng mga sangkap ng mga wika, panitikan at kultura mula sa mga rehiyon bilang ambag sa kalinangang pambansa;
- Maiugnay ang kakanyahan ng mga wika, panitikan at kultura ng mga rehiyon sa pagbuo ng kalinangang pambansa;
- Makapaglunsad ng mga ritwal at praktis pangwika, pampanitikan at pangkultura sa loob ng kampus at fieldwork o practicum naman sa rehiyon; at
- Maipahayag ang tinig at kakanyahang etno-lingguwistiko sa pamamagitan ng base rehiyonal sa bawat klase (hal., puro mga Ilokanong mag-aaral).
Pangkalahatang mga Paksa at Pinaaaralan
Yunit I. Depinisyon, Pinagmulan, Sangkap at Pag-unlad
Modyul 1. Mga Wika at Wikain ng mga Rehiyon
Kapampangan, Hiligaynon, Sebuwano, Bikol,
Pangasinense, Iloko, Samarnon-Leyteno
Mga Teksto tulad ng mga Artikulo’t Libro; Gawain; at Pagsubok
Pinoy Forever: Essays on Culture and Language
"Philippine Studies: The Noli Me Tangere Viewpoint"
Modyul 2. Mga Panitikan ng mga Rehiyon
Kapampangan, Hiligaynon, Sebuwano, Bikol,
Pangasinense, Iloko, Samarnon-Leyteno
Mga Teksto tulad ng mga Artikulo’t Libro; Gawain; at Pagsubok
Filipinos Writing: Philippine Literature from the Regions
Modyul 3. Mga Kultura ng mga Rehiyon
Kapampangan, Hiligaynon, Sebuwano, Bikol,
Pangasinense, Iloko, Samarnon-Leyteno
Mga Teksto tulad ng mga Artikulo’t Libro; Gawain; at Pagsubok
Pinoy na Pinoy! Essays on National Culture
Yunit II. Pagkakatulad at Kakanyahan
Modyul 4. Mga Wika at Wikain ng mga Rehiyon
Kapampangan, Hiligaynon, Sebuwano, Bikol,
Pangasinense, Iloko, Samarnon-Leyteno
Mga Teksto tulad ng mga Artikulo’t Libro; Gawain; at Pagsubok
Case Study ng mga cognate tulad ng bayan, bansa, kalayaan, kasaysayan; mga accent; at
mga biro mula pook at rehiyon tungong bansa
Pinoy Forever: Essays on Culture and Language
Modyul 5. Mga Panitikan ng mga Rehiyon
Kapampangan, Hiligaynon, Sebuwano, Bikol,
Pangasinense, Iloko, Samarnon-Leyteno
Mga Teksto tulad ng mga Artikulo’t Libro; Gawain; at Pagsubok
Case study ng mga akda gaya ng pagkaing pakbet, sinigang at pansit; at mga tula at awit
mula pook at rehiyon tungong bansa
Filipinos Writing: Philippine Literature from the Regions
Modyul 6. Mga Kultura ng mga Rehiyon
Kapampangan, Hiligaynon, Sebuwano, Bikol,
Pangasinense, Iloko, Samarnon-Leyteno
Mga Teksto tulad ng mga Artikulo’t Libro; Gawain; at Pagsubok
Case Study ng pagdiriwang, espasyo at panahon mula pook at rehiyon tungong bansa
Pinoy na Pinoy! Essays on National Culture
Yunit III. Kaisahan at Kaugnayan ng Wika, Panitikan at Kultura
Modyul 7. Ang Kapuluan sa Mga Wika at Wikain, Panitikan at Kultura
at Mga Wika at Wikain, Panitikan at Kultura ng Kapuluan
Kapampangan, Hiligaynon, Sebuwano, Bikol,
Pangasinense, Iloko, Samarnon-Leyteno
Mga Teksto tulad ng mga Artikulo’t Libro; Gawain; at Pagsubok
Paglalagom ng Multi-lingguwal, Multi-Etnik at Multi-Kultural na Katangian ng Pilipinas
Pinoy Forever: Essays on Culture and Language
Pinoy na Pinoy: Essays on National Culture
Filipinos Writing: Philippine Literature from the Regions
Tula’t Awit sa mga Wikang Filipino
The Ethnic Dimension: Papers on Philippine Culture, History and Psychology
Modyul 8. Praktis at Ritwal
Demonstrasyon ng mga praktisyuner at/o mag-aaral kaugnay sa cognate, accent, biro;
pagkain, tula, awit; at pagdiriwang, espasyo, panahon mula pook at rehiyon tungong bansa