Social Media at ang Estado: Isang Pagsusuri sa Mocha Uson Blog

From Iskomunidad

Social Media at ang Estado: Isang Pagsusuri sa Mocha Uson Blog


Baiza, J.A.G. (2017). Social Media at ang Estado: Isang Pagsusuri sa Mocha Uson Blog, Unpublished Undergraduate Thesis, University of the Philippines College of Mass Communication.


Sinuri ng pag-aaral na ito ang paggamit sa social media bilang ideolohikal na aparato ng isang namumunong administrasyon, partikular na tiningnan kung paano binigyang-katuwiran ng Mocha Uson Blog page ang laban kontra droga (war on drugs) ng administrasyong Duterte.


Gamit ang panunuring tekstwal, siniyasat ng pag-aaral ang 27 Facebook post mula sa Mocha Uson Blog page na tumalakay sa paksang war on drugs. Kabilang sa mga tekstong sinuri ay ang lenggwahe, mensahe, at mga larawan upang tuklasin ang mga ideolohiyang nakakubli sa likod ng mga ito, at maipahayag kung paano inilahad ng Mocha Uson Blog ang mga impormasyon tungkol sa war on drugs. Kaakibat nito, tinuklas din kung ano ang representasyon kay Pangulong Duterte sa mga post na mayroong kinalaman sa war on drugs. Bilang panghuli, ipinaliwanag ng pag-aaral na ito kung ano ang papel ng social media sa pagpapalaganap ng ideolohiya ng namumunong administrasyon gamit ang ideolohikal na aparato bilang batayang lente ng pagsusuri.


Matapos ang pagsusuri sa text ng mga post, lumabas na nahahati sa limang kategorya ang mga pangunahing paksa ng mga post na sinuri. Ito ay ang 1) pagsuporta at paghingi ng tulong para sa administrasyon, 2) pagtuligsa sa mga kritiko at pagtalakay sa oposisyon, 3) paghingi at pagbibigay ng opinyon, 4) pagpapaliwanag sa hakbang ng pulisya; at 5) pagtalakay tungkol sa katangian ng Pangulo.

View Thesis: View Thesis