PAGNINGNING NG BITUIN: Pagsusuri sa Karer ni Sarah Geronimo gamit ang Peryodisasyon
PAGNINGNING NG BITUIN: Pagsusuri sa Karera ni Sarah Geronimo gamit ang Peryodisasyon
Isang penomenon si Sarah Geronimo sa industriya ng midya. Kakabit ng pagiging produkto niya ng isang paligsahan sa pag-awit sa telebisyon, nais alamin ng pag-aaral na ito kung paano naging isang ‘Sarah Geronimo’ si Sarah Geronimo. Layunin ng pag-aaral na matuklasan ang kwento ng karera ni Sarah partikular na sa larangan ng pagkanta, paghohost, at pag-arte sa telebisyon at pelikula. Sa gabay at lente ng peryodisasyon at ng Star Theory ni Richard Dyer, ang mga datos na nakuha mula mga blog, mga online na pahayagan, mga artikulo, at aktuwal na pakikipanayam kay Sarah ay susuriin.
Mula sa pagtatagni-tagni ng mga kwento, nailatag sa pamamagitan ng peryodisasyon ang mga temang Tinig Ko’y Iyong Napakikinggan, Noo’y Napakikinggan Lamang, Ngayo’y Nasisilayan, Nang Magliwanag ang mga Bituin, at Simula ng Karera: Paglulunsad ng Midya sa personang ‘Sarah Geronimo’. Bukod dito, lumabas sa pag-aaral ang mga salik sa pag-angat ng karera ni Sarah: Si Michael Jackson bilang Inspirasyon, , Pagiging Kampeon ng Star for a Night, Pagkakamit ng titulong Popstar Princess, at Pagpapareha kay John Lloyd Cruz.
Mga susing salita: peryodisasyon, Star Theory, Sarah Geronimo
Saplagio, J. V. E. (2014). Pagningning ng Bituin: Pagsusuri sa Karera ni Sarah Geronimo gamit ang Peryodisasyon, Unpublished Undergraduate Thesis, University of the Philippines Diliman College of Mass Communication.