Nationalism in the Digital Age: A Discourse Analysis of Selected Youth Blogs
ABSTRACT
Using critical discourse, textual and thematic analyses and Roland Barthes’ “The Death of the Author,” where the reader holds more responsibility to the text than the author and it is in the reading where the text comes to life, this study describes the sense of nationalism exhibited by selected youth in a neo-colonial, neoliberal context as reflected in their blogs.
The researcher was guided by the indicators of nationalism as described by Professor Jose Abueva, which include: enhanced sense of national identity and history; love and pride of country; appreciation of things Filipino and the achievements of Filipinos; concern for the common good and national interest; and by the indicator of nationalism in a neo-colonial environment as described by Professor Epifanio San Juan, Jr. -- i.e. participation in a popular democratic struggle.
The researcher concludes that the sense of nationalism of the selected youth bloggers --- a young political activist, an environmentalist and an election volunteer is rather limited. More than dialogue, partnership, exercising environment friendly practices, listening to stories of people in the communities and volunteering during election day, participation in a popular-democratic revolution is a timely response to defy what Walden Bello (2009) described as ‘permanent crisis’ in the Philippines that is brought about by neo-liberalism.
The researcher subscribes to a process of organizing and mobilizing people for mass action. Even as the Internet has become an outlet for individualism, the youth must recognize that the Internet, specifically blogging, can still be utilized as a tool for organizing and mobilizing people, since it addresses the youth’s political apathy when it is used solely as a source of information. Blogs can be utilized as an opportunity to increase socio-economic awareness, promote critical thinking and encourage political involvement. Blogging has revolutionized civic and political engagement and can be harnessed to mobilize people for rallies, protests, marches and other forms of mass action. Keywords: Youth, Nationalism, Internet, Blogs, Neo-Colonialism, Neoliberalism
In Filipino:
Gamit ang kritikal na pag-analisa ng diskurso, pag-analisa ng teksto at tema, at ang “The Death of the Author” ni Roland Barthes kung saan ang nagbabasa ay mas may higit na responsibilidad sa teksto kaysa sa sumulat nito at kung saan nagkakaroon ng buhay ang teksto sa proseso ng pagbabasa, ang pag-aaral na ito ay isinasalarawan ang nasyonalismo ng mga napiling kabataan sa neo-koloniyal, neoliberal na konteksto na nasasalamin sa kanilang blogs. Ang mananaliksik ay ginabayan ng mga indikasyon ng nasyonalismo ayon sa pagsasalarawan ni Propesor Jose Abueva, at ang mga ito ay: pinagyaman na pambansang identidad at pagpapahalaga sa kasaysayan; pagmamahal at pagmamalaki sa bayan; paghanga sa mga bagay na gawa ng Filipino at sa mga tagumpay ng Filipino; at ang pagmamalasakit sa ikabubuti ng nakararami at ng buong bansa. Gayon din, ang mananaliksik ay ginabayan ng indikasyon ng nasyonalismo sa ilalim ng neo-koloniyal na istruktura ng lipunan ayon sa pagsasalarawan ni Propesor Epifanio San Juan, Jr. at kabilang dito ay pakikiisa sa malawakang pagkilos at demokratikong pakikipaglaban. Matapos ang pag-analisa ng mga blogs masasabi ng mananaliksik na ang nasyonalismo ng mga napiling kabataang bloggers --- isang batang politikal na aktibista, isang environmentalist, at isang nagbantay sa eleksyon ay limitado lamang.
Higit sa dayalogo, pagbuo ng samahan, paggawa ng mga bagay na makakatulong sa pangangalaga ng kalikasan, pakikinig sa istorya ng mga tao sa komunidad at pagboluntaryo na magbantay tuwing araw ng eleksyon, ang partisipasyon sa popular at demokratikong rebolusyon ay napapanahon na tugon sa sinasabi ni Walden Bello (2009) na ‘permanenteng krisis’ sa Pilipinas na dulot ng neo-liberalismo .
Ang mananaliksik ay sumasang-ayon sa proseso ng pag-organisa at pag-mobilisa ng mga tao para sa malawakang pagkilos. Kahit na ang Internet ay nagdudulot ng indibidwalismo, kailangang maunawaan ng mga kabataan na ang Internet, lalo na ang blogging ay maaring ring gamitin sa pag-oorganisa at pag-mobilisa ng mga tao, dahil ang Internet ay sagot sa kawalan ng pakialam ng kabataan sa politika kung ito ay ginagamit bilang daluyan ng impormasyon. Ang blogs ay maaring gamitin upang madagdagan ang kaalaman tungkol sa lipunan at ekonomiya, mapalaganap ang kritikal na pag-iisip at sa pagkakaroon ng partisipasyon sa politika. Ang blogs ay maari ring gamitin sa pagmobilisa ng rali, protesta, martsa at iba pang uri ng malawakang pagkilos.
For full text, please email moninabello@yahoo.com