Bituen, Bulan et Palawan

From Iskomunidad
Revision as of 10:39, 30 August 2022 by Iskwiki.admin (talk | contribs) (Text replacement - "iskomunidad.upd.edu.ph/flipbook" to "iskwiki.upd.edu.ph")
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)

ABSTRACT:

Ang dokumentaryong ito ay tungkol sa buwan, araw at bituin at kung paano ginagamit ang mga ito ng mga katutubong Pala’wan bilang gabay sa kanilang pang-araw-araw na gawain, lalo na sa kanilang mga kabuhayan.

Ipinakikita ng dokumentaryong ito na ang mga Pala’wan ay may sariling katawagan sa mga mukha ng buwan at grupo ng mga bituin. Bawat isa sa mga ito ay may kahulugan na ipaliliwanag ni Lolo Inod Lingkasan, isang matandang Pala’wan na isinasaalang-alang pa rin ang celestial bodies bago siya gumawa ng hakbang sa kanyang kabuhayan, tulad na lamang ng pagtatanim at pangingisda. Pahahapyawan din ng dokumentaryo ang suliraning kinahaharap ng mga matatandang Pala'wan sa pagsasalin ng kulturang ito. Ang ganitong mga kaalaman ay halos hindi na alam ng mga kabataan at nanganganib nang mabaon na lamang sa limot.

Babagay, Gillian Ayra N. and Banzuela, Anna Maria Bea P. (2012). Bituen, Bulan et Pala’wan, Unpublished Undergraduate Thesis, University of the Philippines College of Mass Communication. KEYWORDS: Etnoastronomiya, Bituin, Buwan, Bulan, Astronomiya, Palawan, Film Thesis


View Thesis