Mayo 15
ABSTRAK Manalo, C.J. (2016). Mayo 15. Unpublished Undergraduate Thesis, University of the Philippines College of Mass Communication.
Si Kulay, pangalawa sa tatlong magkakapatid, ay naiwang mag-isa sa kanilang bahay sa kanyang ika-labingtatlong kaarawan. Habang naghihintay sa pag-uwi ng kanyang pamilya, ihahanda niya ang sarili sa pagkadalaga at tuluyan nang iiwan ang kabataan. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, makakarating siya sa tatlong mundo na makakatulong sa kanya upang mas maunawaan ang proseso ng paglaki at pag-angkop. Gumamit ang pelikula ng tatlong teorya: Sikolohikal na Teorya ng Personal Development na iniuugnay ang edad ng isang tao sa kanyang maturidad, Teorya ng Identity Status, mas malalim na pag-aaral ng naunang teorya, at Sikolohiyang Pilipino, na iniangkop ang unang dalawang teorya sa mas lokal na teksto.
Ang pelikula ay nakapokus sa pagdedesisyon ng isang bata kung tuluyan na ba niyang lilisanin ang kamusmusan upang tuluyan nang harapin ang pagkadalaga. Dahil sa ekspektasyon ng lipunan, na nauuwi sa middle child syndrome (depende sa laki ng pamilya at order ng magkakapatid), at mas higit pa ay peer pressure, ang bida ay maiipit sa ideya ng pagsunod sa agos ng lipunan o pananatili sa mundong kinasanayan, isang desisyon na palagay ko ay hinarap ng lahat, sa paghahangad na maging mas maayos na kapwa-tao.