Magsumikap Ka 2.0: John En Shirley bilang representasyon ng kondisyong pulitikal, ekonomiko, at kultural ng Pilipinas noong 2006-2007

From Iskomunidad
Revision as of 13:15, 17 June 2022 by Iskwiki.admin (talk | contribs) (Text replacement - "http://iskwiki.upd.edu.ph" to "https://iskomunidad.upd.edu.ph")
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)

Karaan, M.A.L. (2015). Magsumikap ka 2.0: John En Shirley bilang representasyon ng kondisyong pulitikal, ekonomiko, at kultural ng Pilipinas noong 2006-2007, Unpublished undergraduate thesis, College of Mass Communication, University of the Philippines, Diliman.

Sinusuri ng pananaliksik na ito kung paano nirepresenta ng pantelebisyong sitcom na John En Shirley ang kondisyong pulitikal, ekonomiko, at kultural ng lipunang Filipino noong 2006-2007. Ang prequel nito na John en Marsha ay sapat na representasyon ng lipunang Filipino noong 1986-1990, ayon sa pananaliksik ni Athena Chaves noong 2010. Ang pananaliksik na ito ay ginabayan ng teorya ni Norman Fairclough tungkol sa diskurso ng media at ng teorya ni Michel Foucault tungkol sa episteme. Sinuri ang tatlumpu’t tatlong (33) isyu ng Philippine Daily Inquirer, The Philippine Star, at Manila Bulletin upang matukoy ang mga isyu at ang episteme ng lipunang Filipino sa panahong iyon samantalang sampung (10) episodyo naman ng John En Shirley ang sinuri upang matukoy ang mga temang nakapaloob sa sitcom. Sa pag-uugnay ng episteme at ng mga temang nakapaloob sa sitcom, nalamang ang John En Shirley ay masasabing balidong representasyon ng lipunang Filipino noong 2006-2007, at pinatibay nito ang mga namamayaning ideya noong panahong iyon.

Mga susing salita: komedi, sitcom, John en Shirley, episteme, critical discourse analysis, John en Marsha

View Thesis