Posporo palito
Posporo Palito
Ignacio, D.B. (2014). Posporo Palito. Unpublished Undergraduate Thesis, Unibersidad ng Pilipinas Diliman Kolehiyo ng Pangmadlang Komunikasyon.
Ito ay tungkol sa buhay at pakikibaka ng isang lalake na may bansag na Toots. Nakatagpi ang buong pelikula sa isang araw na pangyayari sa buhay ni Toots. Ang kaniyang buhay ay mahahati sa tatlong kabanata, ang bawat kabanata ay sumasalamin sa araw-araw na dagok ng kaniyang buhay. Dito ipapakita ang masalimuot na buhay na pinapasan ng bawat mahihirap na uri na kagaya ng protagonista. Ngunit ang pelikula ay magtatapos sa hindi inaasahang desisyon na gagawin ni Toots na magpapabago sa takbo ng kaniyang kapalaran. Ang pelikula ay hindi lamang umiikot sa buhay ng protagonista, ito ay sumasalamin sa masalimuot na sistema ng lipunan. Kung saan ginagawang instrumento ng mga iilang naghaharing-uri sa estado ang mga mahihirap na uri. Ang ganitong klaseng sitwasyon at konsepto sa ating lipunan at patuloy pa ding naghahari at lumalaganap. Gayunpaman, ipapakita dito na ang pagkakaroon nang tapang ng loob ng mga nasa ibaba ng lipunan upang ipaglaban ang kanilang sarili ay maaring magbunga sa pantay na estado ng pamumuhay.