File:Pagsusuri sa mga ulat ng Mainstream at Alternative Online Media sa mga Labor Strike sa ilalim ng Administrasyong Duterte.pdf
Pagsusuri_sa_mga_ulat_ng_Mainstream_at_Alternative_Online_Media_sa_mga_Labor_Strike_sa_ilalim_ng_Administrasyong_Duterte.pdf (0 × 0 pixels, file size: 2.47 MB, MIME type: application/pdf)
Summary
Raymundo, K.J.A. (2020). Pagsusuri sa mga ulat ng Mainstream at Alternative Online Media sa mga Labor Strike sa ilalim ng Administrasyong Duterte, Hindi nailimbag na ‘di-gradwadong tesis, Unibersidad ng Pilipinas Diliman Kolehiyo ng Komunikasyong Pangmadla.
ABSTRAK
Isa ang sektor ng mga manggagawa sa may pinakamalaking kontribusyon sa pag-unlad ng ekonomiya. Pero sa kabila ng kanilang ambag sa pag-unlad ng bansa, marami sa kanila ang hindi pa rin natatamasa ang kanilang mga karapatan tulad ng seguridad sa hanapbuhay dahil sa umiiral na kontraktwalisasyon sa bansa. Dahil dito, naglulunsad ng protesta ang mga manggagawa upang ipaglaban ang kanilang karapatan.
Ginabayan ng teorya ng Framing ni Goffman at Political Economy na halaw sa Propaganda Model nina Chomsky at Herman ang pag-aaral na ito. Siniyasat at pinaghambing ang mga ulat ng mainstream at alternative media ukol sa mga isinasagawang welga ng mga manggagawa sa ilalim ng administrasyong Duterte. Sinuri ang animnapu’t siyam na artikulo mula sa apat na online media.
Napag-alaman ng pag-aaral na ito na mas binibigyang-diin ng mainstream media ang boses ng mga nasa lokal at pambansang pamahalaan. Samantala, lantad naman ang pagkiling ng alternative media sa mga manggagawang nagpoprotesta dahil nanaig ang boses ng mga ito sa lahat ng mga nailimbag na balita. Isiniwalat din sa pag-aaral na ito ang mababang bilang ng mga ulat ukol sa paksang ito, sa mainstream o alternative media man. Ibig sabihin, hindi nabibigyan ng sapat na atensyon ng parehong midya ang mga isyung tulad nito.
File history
Click on a date/time to view the file as it appeared at that time.
Date/Time | Dimensions | User | Comment | |
---|---|---|---|---|
current | 19:48, 26 August 2020 | 0 × 0 (2.47 MB) | Karaymundo (talk | contribs) | Raymundo, K.J.A. (2020). Pagsusuri sa mga ulat ng Mainstream at Alternative Online Media sa mga Labor Strike sa ilalim ng Administrasyong Duterte, Hindi nailimbag na ‘di-gradwadong tesis, Unibersidad ng Pilipinas Diliman Kolehiyo ng Komunikasyong Pan... |
You cannot overwrite this file.
File usage
There are no pages that use this file.