Swapang

From Iskomunidad
Revision as of 12:35, 23 May 2017 by Mdesplana (talk | contribs) (Created page with "Swapang Esplana, D.D. (2017). Swapang. Unpublished Undergraduate Thesis, University of the Philippines College of Mass Communication. Si Kakay ay isa sa mga pinakamagagali...")
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)

Swapang

Esplana, D.D. (2017). Swapang. Unpublished Undergraduate Thesis, University of the Philippines College of Mass Communication.

Si Kakay ay isa sa mga pinakamagagaling na manlalaro ng basketbol sa dibisyon ng mataas na paaaralan sa Cagayan de Oro. Dahil dito, ilan sa mga tinitingalang pamantasan sa bansa ang nag-aalok sa kanya na maglaro para sa kani-kaniyang unibersidad kapalit ang libreng edukasyon. Malaking bagay ito para kay Kakay sapagkat ang pamilya niya ay kabilang sa nakararaming pamilyang Pilipino na nasa laylayan ng lipunan. Kasama ang kanyang pinakamatalik na kaibigang si Diwa, nagpasya siyang mag-aral sa Emilio Jacinto University, isang pamantasang pagmamay-ari ng gobyerno na kilala rin bilang numero unong pamantasan ng bansa, sapagkat mahalaga para sa dalawa ang edukasyon. Sa kanyang paglalakbay bilang isang iskolar-atleta ng EJU, naramdaman niya at ng kanyang kuponan ang mapaniil na pagtrato ng administrasyon. Isa sa mga ito ang pagbabawas ng administrasyon sa kanilang buwanang allowance. Bilang walang maibigay na salapi ang mga magulang ni Kakay, napilitang maghanap ng trabaho si Kakay upang mabuhay sa kolehiyo. Sa kasamaang palad, napilayan si Kakay sa isa sa kanilang mga laro at kinailangan siyang operahan dahil dito. Ang pagkapilay ni Kakay ay nagmitsa ng sama-samang pagkilos kung saan ang lahat ng atleta mula sa iba’t ibang isport ay nagtulungan upang labanan ang mang-aping mga polisiya ng administrasyon. Ang pelikula ay nakasandig sa teorya ng Marxismo sapagkat naniniwala ito sa kapangyarihan ng sama-samang pagkilos upang mapabagsak ang mga buwayang nasa posisyon na walang ibang ginawa kung hindi ipagkait sa masa ang kanilang mga karapatan. Nirerepresenta ng mga atleta sa pelikula ang mga manggagawa pagka’t magkahalintulad ang mga pagsubok na hinaharap ng dalawang sektor na ito, araw-araw na nagsasakripisyo at nagtatrabaho ngunit hindi naman nakakamit ang tunay na benepisyong nararapat lamang na sa kanila.

View Thesis: http://iskwiki.upd.edu.ph/flipbook/viewer/?fb=2012-23839-THESIS-2#page-1

[[Category: < College of Mass Communication > Thesis]][[Category:< BA Film>]]