Ang Coffee Prince, ang Bindondo Girl, at ang Kanilang Walang Hanggang Legacy: Isang Lesbiyanang Pagbasa sa mga Dramang Pantelebisyon
Ang Coffee Prince, ang Binondo Girl, at ang Kanilang Walang Hanggang Legacy: Isang Lesbiyanang Pagbasa sa mga Dramang Pantelebisyon
Layunin ng tesis na ito na tukuyin kung sa paanong paraan naipapahayag ng mga dramang pantelebisyon, partikular ng Coffee Prince (2012), Legacy (2012), My Binondo Girl (2011), at Walang Hanggan (2012), ang lesbian existence o lesbiyanang pag-iral batay sa nosyon ng lesbian continuum ni Adrienne Rich. Sa partikular, layunin nitong basahin ang mga episode ng mga dramang pantelebisyon bilang lesbiyanang espasyo, tukuyin ang mga tema ng lesbiyanang pag-iral na ipinahiwatig sa mga eksena ng mga dramang pantelebisyon, at analisahin ang representasyon ng lesbiyanang pag-iral (batay sa women-identified na karanasan) sa mga nasabing teledrama. Sa huli, ang pagbasa ay ginamit bilang pagsuri sa heteropatriyarka. Ginamit sa pag-aaral na ito ang radikal na penimismo, partikular ang lesbian continuum, at ang nosyon ng diskurso bilang mga balangkas sa pagbasa. Gumamit ito ng tatlong kaparaanan sa pangangalap ng datos – tekstwal na pagbasa upang makita ang direktang pagpapahayag ng mga teksto, subtekstwal na pagbasa upang makita ang mga bahaging nagpapakita o nagpapahiwatig ng lesbiyanang pag-iral, at intertekstwal na pagbasa, upang makita ang kaugnayan ng mga dramang pantelebisyon sa isa‟t isa at sa heteropatriyarkal na sistema ng lipunan.
Mga susing salita: lesbian continuum, lesbian existence, lesbiyanang pag-iral, diskurso, heteropatriyarka, dramang pantelebisyon, teledrama
Dogelio, Irene C. (2013). Ang Coffee Prince, Ang Binondo Girl, at ang Kanilang Walang Hanggang Legacy: Isang Lesbiyanang Pagbasa sa mga Dramang Pantelebisyon, Hindi Nailathalang Undergradweyt na Tesis, Unibersidad ng Pilipinas Diliman, Kolehiyo ng Pangmadlang Komunikasyon.