Ang Sagrado at Lapastangan: Ang pagharaya sa Quiapo bilang lunan sa mga piling pelikula at programang pantelebisyon

From Iskomunidad
Revision as of 13:50, 27 March 2013 by Taantiporda (talk | contribs) (New page: '''ABSTRAKT''' Ang tisis na ito ay isang pag-aaral sa pagharaya sa Quiapo bilang lunan sa mga piling pelikula at programang pantelebisyon. Layon ng pag-aaral na matukoy ang mga pinag-ug...)
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)

ABSTRAKT


Ang tisis na ito ay isang pag-aaral sa pagharaya sa Quiapo bilang lunan sa mga piling pelikula at programang pantelebisyon. Layon ng pag-aaral na matukoy ang mga pinag-ugatan ng Quiapo bilang isang sagrado at lapastangang lunan.

Para sa pag-aaral, sinuri ang mga pelikulang Geron Busabos: Ang Batang Quiapo (1964), Bulaklak ng Maynila (1999), Santa Santita (2004), at Tirador (2007) upang matunghayan ang pagbabago ng pagharaya sa Quiapo bilang lunan sa larangan ng pelikula. Siniyasat din ang mga balitang patungkol sa Quiapo sa 24 Oras at Saksi (GMA-7), pati na sa TV Patrol at Bandila (ABS-CBN). Sinuri rin ang mga dokumentaryong Mga Lihim ng Quiapo (2009) ng I-Witness (GMA-7), Panata kay Senyor (2011) ng Patrol ng Pilipino (ABS-CBN), at ang ‘mockumentary’ na Son of God (2010). Pinag-aralan ang mga ito upang matukoy kung paano nagtataguyod ng mga realidad tungkol sa Quiapo ang mga balita sa telebisyon at mga dokumentaryo.

Upang matukoy ang mga pinag-ugatan ng Quiapo bilang isang sagrado at lapastangang lunan, nangalap ng mga dokumento tungkol sa kasaysayan ng Quiapo. Gumamit rin ng etnograpiya at ng awto-etnograpiya upang makapaghatid ng isang alternatibong kasaysayan ng nasabing lunan.

Sa pagtatapos ng pag-aaral, natukoy at nadalumat, bagama’t may mga nananalaytay na similaridad sa aktuwal na lunan ang mga natatanging representasyon sa Quiapo sa pelikula at telebisyon, na ito rin ang nakakapaglilimita at nakapagtitiwali sa ilang paggagap ng mga tao sa Quiapo bilang isang lunan.


Keywords: Quiapo, Maynila, produksyon ng espasyo, textong kultural, sagrado, lapastangan, balitang pantelebisyon, dokumentaryo, pelikula, etnograpiya




ABSTRACT


This study interrogates how Quiapo is produced as a space in selected Filipino films and television programs. The study also aims to determine the roots of Quiapo being produced as a sacred and profane space.

For the study, the researcher examined the films Geron Busabos: Ang Batang Quiapo (1964), Bulaklak ng Maynila (1999), Santa Santita (2004) and Tirador (2007) to trace the development of how Quiapo is produced as a space in Filipino films. The researcher also examined primetime news content pertaining to Quiapo in 24 Oras and Saksi (GMA-7), as well as TV Patrol and Bandila (ABS-CBN). Documentaries such as Mga Lihim ng Quiapo (2009) from I-Witness (GMA-7), Panata kay Senyor (2011) from Patrol ng Pilipino (ABS-CBN) and the ‘mockumentary’ Son of God (2010) have also been examined to determine how television news and documentaries establish certain realities about Quiapo.

To determine the roots of Quiapo being produced as a sacred and profane space, the researcher surveyed documents about the history of Quiapo. Ethnography and auto-ethnography have also been utilized to deliver an alternative history of Quiapo.

At the end of the study, it has been determined and realized that, although there remains some similarities between Quiapo as an actual space and Quiapo as a represented space in film and television, these perceived similarities limit and corrupt people’s understanding of Quiapo as a space.


Keywords: Quiapo, Manila, production of space, cultural texts, sacred, profane, television news, documentary, film, ethnography




Antiporda, T.A.P. A. (2013). Ang sagrado at lapastangan: Ang pagharaya sa Quiapo bilang lunan sa mga piling pelikula at programang pantelebisyon. Unpublished undergraduate thesis. University of the Philippines, Diliman: College of Mass Communication.