Ang Pagtuturo ng Kas I sa Panahon ng K+12

From Iskomunidad
Revision as of 11:37, 8 November 2012 by Teachupd (talk | contribs) (New page: Ang Pagtuturo ng Kas 1 sa Panahon ng K+12 GE Committee, Department of History ABSTRAK Malaki ang pagbabago sa pagtuturo ng Araling Panlipunan batay sa kurikulum na inilahad ng D...)
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)

Ang Pagtuturo ng Kas 1 sa Panahon ng K+12

GE Committee, Department of History


ABSTRAK

Malaki ang pagbabago sa pagtuturo ng Araling Panlipunan batay sa kurikulum na inilahad ng DepEd para sa implementasyon ng K+12. Ang mga kasanayang pang-agham panlipunan, tulad ng kasaysayan at heograpiya, ay tatalakayin mula sa unang baitang at palalaguin at dadagdagan ang mga kasanayan hanggang sa Grade 12. Ang Kasaysayan ay sisimulan sa unang baitang, sa sariling pagkilala at pagtukoy ng identidad ng batang mag-aaral, tungo sa kasaysayan ng kanyang komunidad at grupong etnolinggwistiko, hanggang sa kasaysayang pambansa at sa kasalukuyang kalagayan at mga suliranin ng pambansang pamayanan. Higit sa lahat, sa Grade 7 na nagsisimula na ngayong taong akademiko, ang araling pangkasaysayan ay maglalaman ng mga sipi mula sa mga pangunahing sanggunian, kaya ito ay tinaguriang “Mga Saksi sa Kasaysayan ng Pilipinas.”Layunin sa baitang na ito ang masanay ang mga mag-aaral sa pag-unawa at pagsusuri ng mga primaryang dokumento at ibang sangguniang pangkasaysayan upang mabatid nila ang mga batayan sa pagsusulat ng kasaysayan at matuto sa pagsusuri ng iba’t ibang pananaw. Batay sa mga inilahad na ito, may puwang pa ba ang pagtuturo ng Kasaysayan ng Pilipinas (Kas 1) sa Unibersidad?

Dalawang bahagi ang tatalakayin sa presentasyong ito. Una ay ang kurikulum ng K+12 sa Araling Panlipunan, at bibigyang tuon ang pagtuturo nito sa Grades 5, 6, at 7 na nau ukol sa Kasaysayan ng Pilipinas. Susuriin sa bahaging ito kung ano ang mga kasanayan at kaalaman sa kasayaysan na nais ibahagi ng K+12 sa mga mag-aaral. Sumunod, susuriin ang kasalukyang pagtuturo ng Kas 1 sa Unibersidad batay sa pagsasagawa nito ng kaguruan ng Departamento ng Kasaysayan. Nais alamin sa pag-aaral na ito kung ano ang mga bahagi sa pagtuturo na nasimulan na sa elementarya at kung bakit at paano nananatiling mahalaga ang Kas 1 sa kolehiyo. Layunin ng presentasyon na tukuyin kung ano at paano ang pagtuturo ng kasaysayan sa antas na pang-unibersidad