ANG KASAYSAYAN NG MGA PAMBANSANG PRESO SA PILIPINAS 1946-2003

From Iskomunidad
Revision as of 10:53, 1 August 2012 by Rcbaluyot (talk | contribs)
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)

FELIZARDO D. NIEFES
MA KASAYSAYAN (MARSO 2009)
Departamento ng Kasaysayan


Abstract

Felizardo Dullavin Niefes. Ang Kasaysayan ng mga Pambansang Preso sa Pilipinas, 1946-2003. 320 pp.

Ang pag-aaral na ito ay hinggil sa Kasaysayan ng mga Pambansang Preso sa Pilipinas, 1946-2003. Maikling tinalakay ang kasaysayan ng Old Bilibid Prison at Correctional Institution for Women, gayundin ang mga penal colony katulad ng mga sumusunod: San Ramon Prison and Penal Farm, Iwahig Prison and Penal Farm, Davao Prison and Penal Farm, Sablayan Prison and Penal Farm at Leyte Regional Prison. Noong 1936 itinatag ang New Bilibid Prison sa Bayan ng Muntinlupa na may disenyong tinatawag ng self-enclosed with a wall, upang naisagawa ang mga programang nakakapagpabuti sa kalagayan ng mga bilanggo sa loob ng kulungan. Taong 1941 opisyal na inilipat ang mga bilanggo mula sa Old Bilibid Prison patungo sa bagong tatag na insular na bilangguan (NBP).

Noong WWII ginamit ng mga ‘Hapones ng NBP upang pagkulungan ng mga guerilya at mga bilanggong pulitikal. Pagkatapos ng WWII naging kulungan naman ang NBP ng mga kulaboreytor, at mga Heneral at sundalong Hapones. Subalit karamihan sa mga kulaboreytor ay dinala sa Iwahig Prison and Penal Farm sa Palawan.

Sa muling pamamahala ng mga Filipino sa bansa noong 1946 itinaguyod ng pamahalaan ang makataong pagtrato sa mga bilanggo. Ang NBP bilang insular na bilangguan at punong himpilan ng Bureau of Prisons/Corrections ang siyang nagpatupad ng unti-unting reporma sa mga pambansang bilangguan. Noong 1955 ang Pilipinas ay naging signatory sa United Nations Standard Minimum Rules for the Treatment of Prisoners, na maituturing na pagtaas ng antas sa pagbabago ng criminal justice system sa bansa. Mula 1955 hanggang 1971 ay unti-unting nagkaroon ng reporma sa criminal justice system sa bansa. Subalit sa panahon ng Martial Law noong 1972-1981, at hanggang sa pagpapatalsik kay Pangulong Marcos dahil sa 1986 Edsa People’s Power Revolution I, maraming Filipino ang inalisan ng karapatan at ikinulong, sa mga bilangguang Militar at Pambansang Bilangguan sa buong kapuluan. Sa panahong ito itinatag ang Camp Sampaguita sa NBP Reservation, na bukod sa punong himpilan ng 225th PC Company, ay naging kulungan din ng mga bilanggong pulitikal. Sa pamamahala ni Pangulong Corazon Aquino, binuo ng 1987 Konstitusyon na nag-aalis ng parusang kamatayan at pagtatatag ng Komisyon ng Karapatang Pantao, na may tungkulin na pangalagaan ang karapatan ng mga naaapi at mga bilanggo sa mga kulungan. Ito ang turning point ng kasaysayan ng criminal justice sa Pilipinas. Subalit dahil sa mga karumal-dumal na krimen na nagaganap sa lipunan, muli na namang ibinalik ang parusang kamatayan sa bansa noong 1994, na kung saan pitong mga bilanggo ang nabitay sa pamamagitan ng lethal injection sa NBP. Lahat ng judicial executions na nabanggit ay naganap sa pamamahala ni Pangulong Estrada alinsunod sa kanyang anticrime drive na patakaran. Sa pamumuno ng Simbahang Katoliko laban sa parusang kamatayan, nagkaroon ng moratorium on judicial execution pagkatapos na bitayin si Alex Bartolome noong Enero 4, 2000 at hanggang sa kasalukuyan.