BALINTATAW: 1967-1972: TUNGO SA PANIMULANG PAGBABALANGKAS NG KASAYSAYAN NG DRAMANG FILIPINO SA TELEBISYON

From Iskomunidad
Revision as of 19:07, 10 April 2012 by Rsmoralejo (talk | contribs)

Kinikilatis ng pag-aaral ang katangian ng dulang pantelebisyon sa Pilipinas. Ang pag-aaral ay nagbibigay ng kontribusyon sa pamamagitan ng pagtalakay sa isa sa mga naunang TV drama, ang Balintataw, na umere mula 1967 hanggang 1972 sa ABC-5. Sinusuri ng pag-aaral ang tatlumpung (30) episode ng programa bilang texto upang hanapin ang mga temang nakapaloob rito.

Kinalap ang mga iskrip ng Balintataw sa archives ng U.P. Main Library. Pinili ang 30 iskrip sa pamamagitan ng convenience sampling at sinuri ang mga ito sa lapat ng social realism.

Binigyang-tugon sa pag-aaral na ito ang mga tema na umiikot sa papel ng babae at lalaki, pag-ibig, pera at kamatayan. Layunin ng programang masuri ang sakit ng lipunan, lalo sa panahon bago ipataw ang Batas Militar sa bansa.

Ang ikalawang bahagi ng pag-aaral ay ang antolohiya ng mga piling iskrip ng Balintataw.

Matignas, M.L. P. (2012). Balintataw: 1967-1972: Tungo sa panimulang pagbabalangkas ng kasaysayan ng dramang Filipino sa telebisyon. Unpublished undergraduate thesis. University of the Philippines Diliman College of Mass Communication.


Keywords: dramang Filipino, Balintataw, realismo, kasarian, pag-ibig, pera, kamatayan

View Thesis