Bale wala sa balita

From Iskomunidad
Revision as of 23:43, 28 May 2017 by Dldeleon (talk | contribs) (Created page with "PAMAGAT Bale... Wala [sa Balita]: Isang Kritikal na Pag-aaral sa Mga Diskursong Namamayani at Diskursong Nawawala sa TV Patrol ABSTRAK De Leon, D. (2017). Bale... wala [sa ...")
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)

PAMAGAT

Bale... Wala [sa Balita]: Isang Kritikal na Pag-aaral sa Mga Diskursong Namamayani at Diskursong Nawawala sa TV Patrol

ABSTRAK

De Leon, D. (2017). Bale... wala [sa balita]: Isang Kritikal na Pag-aaral sa Mga Diskursong Namamayani at Diskursong Nawawala sa TV Patrol, Hindi Nailathalang Undergradweyt na Tesis, Unibersidad ng Pilipinas Diliman, Kolehiyo ng Pangmadlang Komunikasyon.

Sinuri ng pag-aaral na ito ang mga balitang sumahimpapawid sa programang pambalitaan ng ABS-CBN, ang TV Patrol. Bilang pinakamatandang tagapaghatid ng balita sa telebisyon sa wikang Filipino, tumulong ang TV Patrol sa paghuhulma ng kamalayan ng mga Pilipino sa mga pangyayari sa lipunan.

Nagpokus ang pag-aaral na ito sa mga istoryang ibinalita sa programa mula ika-5 ng Setyembre hanggang ika-4 ng Oktubre ng taong 2016. Ginamit sa pag-aaral ang news framing at news production sa pag-aanalisa ng mga ulat sa programa. Ginamit din ang teoretikal na balangkas na episteme ni Michel Foucault upang suriin ang kontekstong pangkasaysayan at kultural ng mga balita. Sa pamamagitan din ng critical discourse analysis ni Norman Fairclough, napag-alaman na natatabunan ng mga kumbensyonal na kategorya ng mga balita ang mahahalagang diskurso gaya ng sa kalikasan, na nakatutulong ang mga ritwal sa pagbabalita para paigtingin ang nasabing proseso, at hindi nagbago ang episteme sa paglipas ng panahon.

Dahil dito, inaasahang magiging susi ang pag-aaral upang mapagnilayan ng industriya ng pagbabalita kung paano nakakaapekto, positibo man o negatibo, ang mga nakasanayang ritwal sa naipahahatid na impormasyon sa mga mamamayan, nang sa gayon ay maging lugar ang mga programang pambalitaan sa telebisyon ng mga diskursong mag-aambag sa lipunang pagbabago.


Mga susing salita: TV Patrol, episteme, CDA, news framing, balita sa telebisyon

View Thesis