Office of Community Relations
Ang Opisina ng Ugnayang Pangkomunidad
Ang Opisina ng Ugnayang Pangkomunidad (OCR) ay isa sa mga opisina sa ilalim ng mas malawak na Tanggapan ng Office of the Vice-Chancellor for Community Affairs na Pinamumunuan ni Prop. Melania L. Flores. Kasama nito ang mga sumusunod na tanggapan: Campus Maintenance Office (CMO), University Health Services (Infirmary), Housing Office (HO), at Task Force on Solid Waste Management.
Kabilang sa mga kasalukuyang Gawain at Tungkulin ng OCR ang mga sumusunod:
1. Pagproseso ng Hiling sa Permit para sa Pagkukumpuni ng mga SBU 2. Pagproseso ng Hiling sa Permit para sa Road Right of Way para sa Kuryente at Tubig sa mga SBU 3. Pagsubaybay sa Kalagayan ng mga Informal Settlements sa lupa ng UP Diliman alinsunod sa Containment Policy ng Unibersidad 4. Pagsubaybay at Pagliligtas sa mga Pagala-galang Hayop sa Kampus 5. Pagliligtas sa mga Street Children sa kampus katuwang ang BCPC ng mga barangay at ang DSWD 6. Pakikipag-ugnayan sa pitong Barangay sa paligid ng UP Diliman 7. Pagpapanatili ng maigting na pakikipag-ugnayan at pagpapadaloy ng mga gawaing 8. pag-oorganisa kasama ang iba't-ibang organisasyon at samahan sa mga pamayanan sa UP DIliman 9. Pagbubuo ng mga gawain, proyekto, at programa katuwang ang iba pang mga yunit, samahan ng mag-aaral, lokal na pamahalaan, at mga samahan sa mga pamayanan tungo sa ikauunlad ng mga komunidad sa UP Diliman 10. Pagmumungkahi ng mga Polisiya na makabubuti sa mga pamayanan sa UP DIliman batay sa mga datos na nakalap sa fieldwork at mula sa mga tao
Sino ang Bumubuo ng OCR?
Director Dr. Oscar P. Ferrer
Administrative Aide G. Leo Saunders
Clerk Messenger G. Louie Mar Marciano
Community Relations Officers
1. Joana Alviar;
2. Jackie Cordero;
3. Ramonito Cortez
4. Bea Angelica Mauro
5. Gerhald Villasis
Directory
9818500 local 8627
9818500 local 8628