UP KAPPP
| |
Itinatag | Hulyo 3, 2000 |
---|---|
Kategorya | akademikong organisasyon |
Salita | Makatotohanan. Makabuluhan. Makabayan. |
Punong himpilan | Palma Hall, University of the Philippines, Diliman Quezon City, Philippines 1101 |
Website | http://www.fb.com/upkappp |
upkappp@yahoo.com | |
SANGGUNIANG TAGAPAGPAGANAP A.T. 2012-2013 | |
Suprema | Karla Mae de Leon |
Direktor para sa Usaping Panloob | Niña Dianne Santiago |
Direktor para sa Usaping Panlabas | Rienzi Niccolo Velasco |
Kalihim | John Arvin Buenaagua |
Ingat-Yaman | Darrell John Magsambol |
Punong Mananaliksik | Eufemio Agbayani III |
Mga Gurong Tagapayo | Kerby Alvarez
Perseville Mendoza |
Ang UP Kalipunan para sa Agham Panlipunan at Pilosopiyang Pilipino o UP KAPPP ay isang akademikong organisasyon ng mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Pangunahing sinusulong nito ang multi-perspektibong pag-aaral ng Pilipinong Agham Panlipunan at Pilosopiya.
Pagkakatatag
Nakaugat ang kasaysayan ng UP KAPPP sa adhikain ng BUKLOD CSSP na maisulong ang isang multi-disiplinaryong pag-aaral ng Agham Panlipunan at Pilosopiyang Pilipino; mapalakas ang paglahok sa mga gawaing pulitikal; at sa pangkalahatan, mapaglingkuran ang kolehiyo, unibersidad, at sambayanang Pilipino. Ito ang naging dahilan upang mabuklod ang mahigit 50 mag-aaral ng UP College of Social Sciences and Philosophy (CSSP) para umpisahan ang pagtatag ng organisasyon noong Hulyo 2000.
Sa pangunguna nina Ja’pee de Leon, Pangulo ng BUKLOD CSSP; Mary Rose Rodriguez, History Representative sa CSSP Student Council, at Atoy Navarro, Gurong Tagapayo ng BUKLOD CSSP; binalangkas ang Saligang Batas ng organisasyon na pinagtibay ng mga kasaping tagapagtatag noong Hunyo 2000. Matapos ito, agad na naganap ang Unang Pangkalahatang Eleksyon para sa pamunuang tagapagtatag ng organisasyon para sa Akademikong Taon 2000-2001. Dahil sa wala pang ipinagkakaloob na tambayan, nangyari ang eleksyon sa tambayan ng UP Lipunang Pangkasaysayan (UP LIKAS) kung saan nahalal sina Mary Rose Rodriguez (Kasaysayan) bilang Suprema, Paul Allan Cruz (Sosyolohiya) bilang Pangalawang Supremo, Paul Andrew Gorgonio (Agham Pampulitika) bilang Kalihim, Lisette Gaspar (Sosyolohiya) bilang Ingat-Yaman, at Ma. Carolina Perez (Sikolohiya) bilang Punong Mananaliksik. Naglilingkod naman bilang Gurong Tagapayong Tagapagtatag si Atoy Navarro.
Mga Lupong Pang-Organisasyon
Ang Sangguniang Tagapagpaganap o ST ang pangunahing tagapangasiwa ng UP KAPPP. Ito ay binubuo ng Supremo, Direktor para sa Usaping Panloob, Direktor para sa Usaping Panlabas, Kalihim, Ingat-Yaman at Punong Mananaliksik.
Ang Lupon para sa Usaping Panloob o Loob ang tagapamahala ng proseso ng aplikasyon,reapirmasyon, resignasyon, suspensyon at ekspalsyon. Ito ang nagpapanatili ng kantidad at kalidad sa mga kasapi ng organisasyon. Pinamumunuan ito ng Direktor para sa Usaping Panloob.
Ang Lupon para sa Usaping Panlabas o Labas ang pangunahing tagapamahala ng lahat ng ugnayan sa UP KAPPP Alumni, sa loob at labas ng kolehiyo at pamantasan, sa isponsors, at sa iba pang mga ugnayang panlabas. Pinamumunuan ito ng Direktor para sa Usaping Panlabas.
Ang Lupon para sa Dokumentasyon at Publisidad o LuDoPu ang gumaganap bilang pangunahing tagapagsadokumento at tagatala ng takbo ng mga gawain at pagkilos ng organisasyon. Ito rin ang pangunahing tagapaglikom, tagasinop at tagapag-ingat ng mga kasulatan, lathalain at iba pang materyales na pang-organisasyon, at naglalabas ng mga publisidad ng organisasyon. Pinamumunuan ito ng Kalihim.
Ang Lupon para sa Lohistika at Pananalapi o LuPapi ang gumaganap bilang pangunahing tagapundar ng suporta at tulong panglohistika para sa mga pangangailangan ng organisasyon. Ito rin ang may hawak ng responsibilidad sa pagpapananatili ng kaayusan ng mga pagkilos at mga pagmamay-ari ng organisasyon. Pinamumunuan ito ng Ingat-Yaman.
Ang Lupon para sa Edukasyon at Pananaliksik o LupePa ang gumaganap bilang pangunahing tagapagsagawa at tagapamahala ng mga pananaliksik sa mga isyu't usaping pang-Agham Panlipunan at Pilosopiyang Pilipino. Ito rin ang namamahala sa mga pag-aaral at pagsasanay ng organisasyon. Pinamumunuan ito ng Punong Mananaliksik.
Mga Kasapi
-
KAPPP jumpshot 2011.
-
Mahilig kami sa jumpshot.
-
Isang salu-salo ng UP KAPPP noong 2009.
-
Ilan sa mga kasapi noong 2009.
Mga Gawain
Pagsasapilipino Educational Discussions
Hanay sa layunin ng UP KAPPP na magsulong ng multi-perspektibong pag-aaral ng Pilipinong Agham Panlipunan at Pilosopiya, nabuo ang konsepto ng "Pagsasapilipino ED", kung saan ang mga kasapi ng UP KAPPP at ilang kinatawan ng iba pang organisasyong may kinalaman sa paksa ay magtitipon at magpapalitan ng kaalaman. Ito ay may apat na bahagi: Pagpapakilala; Palitan ng Kaalaman; Kainan, at; Batuhan ng Katanungan.
-
Ang Agham Panlipunang Pilipino ED kasama ang UP SAPUL, UP POLSCi, at UP APSM.
-
Ang Sosyolohiyang Pilipino ED kasama ang UP KMS at UP PRAXIS.
-
Ang ED tungkol sa Pantayong Pananaw ng Kalikasan kasama ang UP LIKAS at UP KASAYSAYAN.
Buwan ng Anibersaryo
Ang Buwan ng Anibersaryo ay ginaganap sa buwan ng Hulyo at nahahati sa anim na bahagi.
Anniv Exhibit
Ang Anniv Exhibit ay ang opisyal na taunang eksibit ng UP KAPPP na nagsisilbing daan upang mas makilala pa ng karamihan ang kalikasan at kasapian ng organisasyon. Itinatayo ito sa AS Lobby sa unang linggo ng Hulyo, Martes hanggang Biyernes.
Grand Pakain
Sa huling araw ng unang linggo ginaganap ang Grand Pakain. Nagsisilbi itong pagdiriwang ng pagkakabuo ng UP KAPPP kasama ang iba pang mga mag-aaral ng pamantasan.
Anniv Palaro
Maaaring sa porma ng tagisan ng talino, o ng palakasan, ang Anniv Palaro ang masayang daan para mas makilala pa ng mga mag-aaral sa labas ng UP KAPPP ang mga makatotohanan, makabuluhan at makabayang adhikain ng organisasyon. Ginaganap ito sa ikalawang linggo ng Hulyo.
Patsuper
Ang Patsuper o Para sa Ating mga Tsuper ay ang pagbibigay-halaga ng organisasyon sa mga magigiting nating mga tsuper ng mga jeep. Ginaganap ito sa ikatlong linggo ng Hulyo kung saan nagpapamigay ng iba't-ibang mga bagay ang KAPPP sa mga tsuper tulad ng tubig, energy drinks, twalya, UP KAPPP stickers, atbp.
Anniv Forum
Ang Anniv Forum ay ang paraan ng UP KAPPP para maiharap ang mga sinusulong ng organisasyon sa mga mag-aaral ng UP sa isang mas pormal na plataporma. Kadalasang paksa ay mga napapanahong kaganapan sa bansa na tinitignan sa maka-Pilipinong perspektibo.
-
Ang Snake Eyes ay isang photo quiz bee kung saan magpapagalingan ang mga manlalaro sa pamilyarisasyon sa iba't-ibang lugar o monumento sa UP noong 2009.
-
Isang Anniv Palaro noong 2010 na pinamagatang PaKAPPPalan, isang kropek-eating contest.
-
Ang UP KAPPP Kalendaryo ng Anibersaryo 2011.
-
Ang pinamahaging Patsuper sticker noong Hulyo, 2011.
-
Ang Anniv Forum noong 2010 ay tumalakay sa Nasyonalismo bilang isang fashion trend sa kasalukuyan.
-
Ang 11th Anniv Night noong Hulyo 30, 2011 sa Kalayaan Bistro, Kalayaan Ave., QC.
-
Anniv Night 2011 poster.