UP Psychological Association
About PsycA
Ang UP PsycA ay isang samahan ng mga mag-aaral na naniniwalang iba-iba lang talaga sila at okay lang sa kanila yun. Tumatambay sa kung saan unang maisipan, mahusay sa pag-iisip ng paraang magsayang ng oras at pagdating sa punto na kailangan na ng kayod ay kakayurin nila hanggang sa bone marrow ang sarili nilang katawan. Isang organisasyong di mahilig mag kompromiso pagdating sa mga proyekto, at hindi natatakot sa limitasyong sinusungalngal sa kanila ng mundo.
Para sa UP PsycA, hindi ibig sabihing sobrang hirap, hindi na dapat gawin. Hindi natatakot gumawa ng mga activity na hindi pa nila nagagawa noon. Para sa UP PsycA hindi ibig sabihing seryoso ay hindi na nakakatawa, dahil kung merong bagay na expert ang PsycA yun ay ang humanap ng kalokohan, gumawa ng katatawanan at magsaboy ng sariwang-sariwa na kasiyahan.
Ang UP PsycA at ang mga myembro nito ay matatalino, masisipag, malakas kumain, mataas mangarap at mahirap hulihin. Ang UP PsycA ay parang Asylum, wala nga lang kaming Strait Jacket.
Officers
Members
Activities
Announcements
See Also
PsycA.tk official website