CARANDANG

From Iskomunidad
Revision as of 10:42, 30 August 2022 by Iskwiki.admin (talk | contribs) (Text replacement - "iskomunidad.upd.edu.ph/flipbook" to "iskwiki.upd.edu.ph")
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)

Abstract

< Binibigyang-kritisismo ng tesis na ito ang papel ng relihiyon sa patuloy na

pananatili ng mga patriyarkal na pagpapahalaga sa loob ng tahanan. Mabisang instrumento ang relihiyon sa paghulma ng kamalayan ng isang indibidwal. Ang imahe ng pagkababaeng itinuturo sa Baptist na relihiyon, kung saan nararapat na siya'y manahimik, sumunod at magpaubaya ayon sa itinuturo sa loob ng simbahan, ang ginagamit na batayan ng mga kababaihang Baptist sa kung paano nila dapat na ilugar ang kanilang sarili. Ngunit huwad ang imahe ng pagkababae na ito. Nais ipahayag ng tesis na ito na hawak ng babae ang kapangyarihan na magpasya para sa kanyang sarili. Ang tesis na ito ay isang pagsisiwalat. Bilang isang midyum ng pamamahayag, taglay ng pelikula ang kapangyarihang magsiwalat ng mga isyung panlipunan. Naging instrumento ang pelikula upang isalaysay ang sitwasyon ng mga kababaihang Baptist, na bagama't naninirahan na sa kasalukyang panahon ay nakukulong pa rin sa mga makalumang nosyon ng pagkababae. Sa pamamagitan ng pagsunod sa kwento ni Faith, ang pelikula ay iminungkahing gamiting instrumento ang edukasyon at pagkakaisa upang makamit ng kababaihan ang gender emancipation o pagpapalaya ng kasarian >

View Thesis

[[Category: <CMC> Thesis]][[Category:<FILM>]]