The “Bakwit” Narrative: A Study on the Representation of Filipino Muslims in Documentaries on the War in Marawi

From Iskomunidad
Revision as of 17:04, 27 May 2018 by Hlmuti (talk | contribs)

Muti, H.L. (2018). The “Bakwit” Narrative: A Study on the Representation of Filipino Muslims in Documentaries on the War in Marawi, Unpublished Undergraduate Thesis, University of the Philippines Diliman College of Mass Communication.


ABSTRACT

Conflict and national identity are increasingly important issues in the Philippines given its cultural diversity. Following the broadcast coverage on the war in Marawi from May 23 until October 23 in 2017, the image of Filipino Muslims is put in the public eye through broadcast documentaries and news reports. This study analyzed how Filipino Muslims are represented in documentaries aired during and after the war by local networks in the Philippines such as ABS-CBN, CNN Philippines, and GMA.

Because of past studies, which have suggested media’s important role in shaping public opinion on cultural minorities, it was imperative to analyze the portrayal of Filipino Muslims in the center of conflict during this crucial crisis. In order to complete this inquiry, the study conducted a textual analysis of the visual, verbal, and other elements of the documentaries to examine what sort of messages they send through the use of the specific audio-visual text. The data analysis was guided by the use of two key theories: semiotics and representation theory.

Through the textual analysis of the eight documentaries, this research was, but a single step toward understanding why the war in Marawi came into existence, what media representations reflected Filipino society during the crisis, and how media operated to challenge the misinformation about Filipino Muslims when it had the chance to do so.

Based on the findings of the study, it was concluded that Filipino Muslims were represented fairly and sensitively in the documentaries. Moreover, the perspective taken by each documentary had its own approach in tackling the bakwit narrative in such a way that negative stereotypes and misconceptions against Filipino Muslims were cleared up, discouraged, and combatted.

Keywords: Marawi, Filipino Muslims, semiotics, textual analysis, documentary


ABSTRAK

Ang pambansang pagkakakilanlan at salungatan sa ideolohiya ay ilan sa mga kilalang isyu sa Pilipinas na dulot ng pagkakaiba ng mga kulturang napapaloob rito. Kasunod ng coverage sa Digmaan sa Marawi mula Mayo 23 hanggang Oktubre 23 ng 2017, ang imahe ng mga Filipinong Muslim ay mas nabigyang atensyon sa publiko sa pamamagitan ng mga dokumentaryo at balita sa brodkast media. Dahil dito, pinag-aralan ng mananaliksik ang representasyon ng mga Filipinong Muslim sa mga dokumentaryong ipinalabas ng ABS-CBN, CNN Philippines, at GMA.

Dahil sa mga nakaraang pag-aaral na iminungkahi ang kahalagahan ng midya sa pagtatasa ng opinyon ng publiko sa minorya, mahalagang siyasatin ang imahe at naratibo ng mga Filipinong Muslim na naipit sa gitna ng digmaan. Upang makumpleto ang pagsisiyasat na ito, ang pag-aaral ay nagsagawa ng textual analysis sa biswal, berbal, at iba pang aspeto ng mga dokumentaryo. Ang pagsusuri naman sa data ay ginamitan ng dalawang pangunahing mga teorya: semiotics at teorya ng representasyon.

Sa pamamagitan ng pag-aaral sa walong dokumentaryo, ang pananaliksik na ito ay isang hakbang lamang sa pag-unawa sa digmaan sa Marawi, sa representasyon ng midya na naglarawan sa lipunan sa panahon ng digmaan, at sa papel na ginampanan ng midya upang hamunin ang mga maling impormasyon tungkol sa mga Filipinong Muslim.

Batay sa mga napag-alaman ng pag-aaral, pinagtibay na ang mga Filipinong Muslim ay na-i-representa ng patas at sensitibo sa mga dokumentaryo. Bukod pa rito, ang pananaw na kinuha ng bawat dokumentaryo ay may sariling diskarte sa pagsalaysay sa naratibo ng mga bakwit sa paraan na ang mga maling kuru-kuro at negatibong stereotypes laban sa mga Filipinong Muslim ay nabigyan ng mas malawak na pagpapaliwanag.

Keywords: Marawi, Filipinong Muslim, semiotics, textual analysis, dokumentaryo


View Thesis