UP KAPPP
| |
Itinatag | Hulyo 3, 2000 |
---|---|
Mga Salita | Makatotohanan. Makabuluhan.
Makabayan. |
Punong Himpilan | Palma Hall, University of the Philippines, Diliman Quezon City, Philippines 1101 |
Website | http://www.fb.com/upkappp |
SANGGUNIANG TAGAPAGPAGANAP A.T. 2013-2014 | |
Supremo | Rienzi Niccolo Velasco |
Direktor para sa Usaping Panloob | Khim Carla Bautista |
Direktor para sa Usaping Panlabas | Vince Renzo Liban |
Kalihim | Maria Lourdes San Luis |
Ingat-Yaman | Angelica Jhoy Escosio |
Punong Mananaliksik | Eufemio Agbayani III |
Mga Gurong Tagapayo | Kerby Alvarez
Perseville Mendoza |
Ang UP Kalipunan para sa Agham Panlipunan at Pilosopiyang Pilipino o UP KAPPP ay ang nag-iisang pang-kolehiyong akademikong organisasyon sa UP College of Social Sciences and Philosophy para sa mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Pangunahing sinusulong nito ang multi-disiplinaryong pag-aaral ng Agham Panlipunan at Pilosopiyang Pilipino.
Pagkakatatag
Nakaugat ang kasaysayan ng UP KAPPP sa adhikain ng BUKLOD CSSP na maisulong ang isang multi-disiplinaryong pag-aaral ng Agham Panlipunan at Pilosopiyang Pilipino; mapalakas ang paglahok sa mga gawaing pulitikal; at sa pangkalahatan, mapaglingkuran ang kolehiyo, unibersidad, at sambayanang Pilipino. Ito ang naging dahilan upang mabuklod ang mahigit 50 mag-aaral ng UP College of Social Sciences and Philosophy (CSSP) para umpisahan ang pagtatag ng organisasyon noong Hulyo 2000.
Sa pangunguna nina Ja’pee de Leon, Pangulo ng BUKLOD CSSP; Mary Rose Rodriguez, History Representative sa CSSP Student Council, at Atoy Navarro, Gurong Tagapayo ng BUKLOD CSSP; binalangkas ang Saligang Batas ng organisasyon na pinagtibay ng mga kasaping tagapagtatag noong Hunyo 2000. Matapos ito, agad na naganap ang Unang Pangkalahatang Eleksyon para sa pamunuang tagapagtatag ng organisasyon para sa Akademikong Taon 2000-2001. Dahil sa wala pang ipinagkakaloob na tambayan, nangyari ang eleksyon sa tambayan ng UP Lipunang Pangkasaysayan (UP LIKAS) kung saan nahalal sina Mary Rose Rodriguez (Kasaysayan) bilang Suprema, Paul Allan Cruz (Sosyolohiya) bilang Pangalawang Supremo, Paul Andrew Gorgonio (Agham Pampulitika) bilang Kalihim, Lisette Gaspar (Sosyolohiya) bilang Ingat-Yaman, at Ma. Carolina Perez (Sikolohiya) bilang Punong Mananaliksik. Naglilingkod naman bilang Gurong Tagapayong Tagapagtatag si Atoy Navarro.
Mga Lupong Pang-Organisasyon
Ang Sangguniang Tagapagpaganap o ST ang pangunahing tagapangasiwa ng UP KAPPP. Ito ay binubuo ng Supremo, Katalonan, Sugo, Kalihim, Ingat-Yaman at Punong Mananaliksik.
Ang Lupon para sa Usaping Panloob o LOOB ang tagapamahala ng proseso ng aplikasyon,reapirmasyon, resignasyon, suspensyon at ekspalsyon. Ito ang nagpapanatili ng kantidad at kalidad sa mga kasapi ng organisasyon. Pinamumunuan ito ng Direktor para sa Usaping Panloob.
Ang Lupon para sa Usaping Panlabas o LABAS ang pangunahing tagapamahala ng lahat ng ugnayan sa UP KAPPP Alumni, sa loob at labas ng kolehiyo at pamantasan, sa isponsors, at sa iba pang mga ugnayang panlabas. Pinamumunuan ito ng Direktor para sa Usaping Panlabas.
Ang Lupon para sa Dokumentasyon at Publisidad o LuDoPu ang gumaganap bilang pangunahing tagapagsadokumento at tagatala ng takbo ng mga gawain at pagkilos ng organisasyon. Ito rin ang pangunahing tagapaglikom, tagasinop at tagapag-ingat ng mga kasulatan, lathalain at iba pang materyales na pang-organisasyon, at naglalabas ng mga publisidad ng organisasyon. Pinamumunuan ito ng Kalihim.
Ang Lupon para sa Lohistika at Pananalapi o LuPapi ang gumaganap bilang pangunahing tagapundar ng suporta at tulong panglohistika para sa mga pangangailangan ng organisasyon. Ito rin ang may hawak ng responsibilidad sa pagpapananatili ng kaayusan ng mga pagkilos at mga pagmamay-ari ng organisasyon. Pinamumunuan ito ng Ingat-Yaman.
Ang Lupon para sa Edukasyon at Pananaliksik o LupEPa ang gumaganap bilang pangunahing tagapagsagawa at tagapamahala ng mga pananaliksik sa mga isyu't usaping pang-Agham Panlipunan at Pilosopiyang Pilipino. Ito rin ang namamahala sa mga pag-aaral at pagsasanay ng organisasyon. Pinamumunuan ito ng Punong Mananaliksik.
Kasapian
Pangalan | Palayaw | Kurso at Antas |
---|---|---|
Eufemio Agbayani III | Eufy | BA History IV |
Chris Erwin Alquizalas | Chris | BA-MA Political Science IV |
Khim Carla Bautista | Khim | BS Economics III |
Andre Marcel Bolinao | Marcel | BA Psychology II |
Victor Enrique Bolinao | Eike | BA History III |
John Arvin Buenaagua | Arvin | BA Political Science III |
Nicole Angela Canseco | Coco | BA History IV |
Alea Carpio | Alea | BA European Languages IV |
Karla Mae de Leon | Karla | BA Political Science IV |
Angelica Jhoy Escosio | Jhoy | BA Political Science III |
Jairus Espiritu | Jai | BA Philosophy III |
Kris Sarah Jeruta | Kris | BA-MA Political Science III |
Vince Renzo Liban | Vince | BA Political Science III |
Pamela Anne Macariola | Pam | BA Sociology IV |
Maria Veronica Manalo | Vee | BA Political Science III |
Darrell John Magsambol | Darrell | BS Business Economics IV |
Ed Laurenz Noveloso | Renz | BS Psychology III |
Jemimah-Keren Pabiona | Jem | BS Geography III |
Allan Pangilinan | Allan | BA Philosophy III |
Patricia Mae Peralta | Trixie | BA Political Science III |
Maria Lourdes San Luis | Malou | BS Business Economics III |
Niña Dianne Santiago | Niña | BA Political Science IV |
Glaiza Mae Superable | Zam | BA Psychology III |
Walter Tamayo | Walter | BA History V |
Christine Anne Trajano | Anne | BS Economics III |
Rienzi Niccolo Velasco | Zee | BS Geography IV |
-
Mga tao sa tambayan noong 2002. May bubong pa!
-
2004 X-mas Party!
-
KAPPPips of 2006.
-
2006 KAPPPinuman?
-
2006.
-
Random jumpshot from '06.
-
May alas sya!
-
Kahit sino, belong sa KAPPP.
-
Ang KAPPP sa tambs, 2006.
-
Tsk tsk.
-
KAPPP 2006.
-
Worm's eye view ng KAPPPips of 2006.
-
KAPPPips of 2007.
-
Mindoro trip ng KAPPP 2007.
-
KAPPP Christmas Party, 2007.
-
Kaya mo ba to?
-
KAPPPips of 2008.
-
Sa tambayan.
-
March 14, 2008.
-
Isang gabi sa tambayan.
-
Sina Aides at Vince sa KAPPP sem-ender, 2009.
-
Ayaw paawat ni Ginx.
-
Sina Anne, April, Elliz at Arpee sa debut ni Tin Borja.
-
Mahilig kami sa jumpshot.
-
Isang salu-salo ng UP KAPPP noong 2009.
-
Ilan sa mga kasapi noong 2009.
-
Isang Xbox day ng KAPPP.
-
Yes, Nons?
-
KAPPP, 2010.
-
Walang hiya ang KAPPP pagdating sa jumpshots.
-
Bonding day sa bahay ni Mabel.
-
KAPPP jumpshot 2011.
-
Ang unang GA ng 2012.
-
Ang unang KAPPP dinner ng unang sem ng 2012.
-
Sina Walter, Veronica, Niña, Viko at R-La sa tambayan.
-
Katatapos lang ng Pakain 2012. :))
UP KAPPP sa mga Konsehong Pangmag-aaral
Ang UP KAPPP ay kilala rin bilang isa sa mga organisasyon sa CSSP na pinakaaktibo sa pagpapatakbo sa taunang eleksyon para sa University Student Council at College of Social Sciences and Philosophy Student Council. Kamakailan lamang din ay naging bahagi na rin ang ilang KAPPPips sa School of Economics Student Council.
Pangalan | Katungkulan |
---|---|
2001-2002 | |
Joseph Anthony Lachica | CSSP Representative to the USC |
Ma. Carolina "Len" Perez | CSSPSC Chairperson |
Paul Allan Cruz | CSSPSC Councilor |
Paul Andrew Gorgonio | CSSPSC Councilor |
Mary Rose Rodriguez | CSSPSC Councilor |
Mc Ronald "McRhon" Banderlipe | History Department Representative |
Daly Caturan | Linguistics Department Representative |
Jan Japheth Monis | Philosophy Department Representative |
Christine Anne "Tintin" de Villa | Psychology Department Representative |
2002-2003 | |
Ryan Caparas | USC Councilor |
Christine Anne "Tintin" de Villa | CSSPSC Chairperson |
Jan Japheth Monis | CSSPSC Vice-Chairperson |
Karen Sarinas | CSSPSC Secretary-General |
Wendell Langdet | CSSPSC Councilor |
Katrina "Nina" de Leon | CSSPSC Councilor |
Rae Ann Ramos | Psychology Department Representative |
Cathy Villena | Sociology Department Representative |
2003-2004 | |
Mc Ronald "McRhon" Banderlipe | CSSPSC Secretary-General |
Andre Verastigue | CSSPSC Councilor |
2004-2005 | |
Alesandra Maria Anna "Arianne" Reyes | CSSPSC Secretary-General |
2005-2006 | |
Alesandra Maria Anna "Arianne" Reyes | CSSPSC Chairperson |
Pauline Agatha "Pau" Caspellan | CSSPSC Secretary-General |
Joseph "Tacio" Basconcillo | Geography Department Representative |
2006-2007 | |
Joseph "Tacio" Basconcillo | CSSPSC Councilor |
2007-2008 | |
Graciello Timothy "G.T." Reyes | CSSPSC Councilor |
2008-2009 | |
Graciello Timothy "G.T." Reyes | CSSPSC Vice-Chairperson |
April Gayle Soller | SCSSPSC Secretary-General |
2009-2010 | |
Kristine “Tin” Borja | CSSP Representative to the USC |
Ranulfo “Oyie” Javelosa III | CSSPSC Councilor |
Celliza Marie “Elliz” Rances | CSSPSC Councilor |
2010-2011 | |
Kristine “Tin” Borja | USC Councilor |
Ranulfo “Oyie” Javelosa III | CSSPSC Chairperson |
Mabel Ogoshi | CSSPSC Vice-Chairperson |
Adrian Baccay | CSSPSC Councilor |
2011-2012 | |
Ginelle "Ginx" B. Petterson | CSSPSC Secretary-General |
Lazaro Kevin “Arrow” G. Pabiona | Anthropology Department Representative |
2012-2013 | |
Chris Erwin "Chris" Alquizalas | CSSPSC Councilor |
Walter Martin Sumakwel "Walter" Tamayo | History Department Representative |
Christine Anne "Anne" Trajano | SESC Councilor for Marketing |
Darrell John "Darrell" Magsambol | SESC Students' Rights and Welfare Committee Head |
2013-2014 | |
Chris Erwin "Chris" Alquizalas | CSSP Representative to the USC |
Maria Veronica "V" Manalo | CSSPSC Vice-Chairperson |
Walter Martin Sumakwel "Walter" Tamayo | CSSPSC Secretary-General |
Ed Laurenz "Renz" Noveloso | CSSPSC Councilor |
Patricia Mae "Trixie" Peralta | CSSPSC Councilor |
Allan "Allan" Pangilinan | CSSPSC Councilor |
Darrell John "Darrell" Magsambol | SESC Chairperson |
Christine Anne "Anne" Trajano | SESC Secretariat Councilor |
Mga Gawain
Pagsasapilipino Educational Discussions
Hanay sa layunin ng UP KAPPP na magsulong ng multi-perspektibong pag-aaral ng Pilipinong Agham Panlipunan at Pilosopiya, nabuo ang konsepto ng "Pagsasapilipino ED", kung saan ang mga kasapi ng UP KAPPP at ilang kinatawan ng iba pang organisasyong may kinalaman sa paksa ay magtitipon at magpapalitan ng kaalaman. Ito ay may apat na bahagi: Pagpapakilala; Palitan ng Kaalaman; Kainan, at; Batuhan ng Katanungan.
-
Ang Agham Panlipunang Pilipino ED kasama ang UP SAPUL, UP POLSCi, at UP APSM.
-
Ang Sosyolohiyang Pilipino ED kasama ang UP KMS at UP PRAXIS.
-
Ang ED tungkol sa Pantayong Pananaw ng Kasaysayan.
-
Ang Pagsasapilipino ED kasama ang UP ANTHROSOC at UP SALIN noong 2010.
Educational Discussions
Maliban sa Pagsasapilipino ng mga Agham Panlipunan at Pilosopiya, tinatalakay din ng UP KAPPP sa pamamagitan ng mga ED ang mga napapanahong isyu sa bansa na ginagamitan ng maka-Pilipinong lente.
Buwan ng Anibersaryo
Ang Buwan ng Anibersaryo ay ginaganap sa buwan ng Hulyo at nahahati sa anim na bahagi.
-
Ang UP KAPPP Kalendaryo ng Anibersaryo 2011.
-
Ang Anniv Month poster ng 2012.
Anniv Exhibit
Ang Anniv Exhibit ay ang opisyal na taunang eksibit ng UP KAPPP na nagsisilbing daan upang mas makilala pa ng karamihan ang kalikasan at kasapian ng organisasyon. Itinatayo ito sa AS Lobby sa unang linggo ng Hulyo, Martes hanggang Biyernes.
-
Ang Anniv Exhibit 2012 sa AS Lobby.
Grand Pakain
Nagsisilbi itong pagdiriwang ng pagkakabuo ng UP KAPPP kasama ang iba pang mga mag-aaral ng pamantasan.
-
Anniv Pakain 2012.
-
Anniv Pakain 2012.
-
Ang 7th Grand Pakain.
-
Dig in!
Anniv Palaro
Maaaring sa porma ng tagisan ng talino, o ng palakasan, ang Anniv Palaro ang masayang daan para mas makilala pa ng mga mag-aaral sa labas ng UP KAPPP ang mga makatotohanan, makabuluhan at makabayang adhikain ng organisasyon. Ginaganap ito sa ikalawang linggo ng Hulyo.
-
Ang Snake Eyes ay isang photo quiz bee kung saan magpapagalingan ang mga manlalaro sa pamilyarisasyon sa iba't-ibang lugar o monumento sa UP noong 2009.
-
Isang Anniv Palaro noong 2010 na pinamagatang PaKAPPPalan, isang kropek-eating contest.
-
2012 Anniv Quiz Bee poster.
-
Ang mga kalahok sa Anniv Quiz Bee 2012.
Patsuper
Ang Patsuper o Para sa Ating mga Tsuper ay ang pagbibigay-halaga ng organisasyon sa mga magigiting nating mga tsuper ng mga jeep. Ginaganap ito sa ikatlong linggo ng Hulyo kung saan nagpapamigay ng iba't-ibang mga bagay ang KAPPP sa mga tsuper tulad ng tubig, energy drinks, twalya, UP KAPPP stickers, atbp.
-
Ang pinamahaging Patsuper sticker noong Hulyo, 2011.
-
Patsuper 2012 stickers na dinikit ng KAPPP sa mga jeeps ng UP.
-
Ang saya sa KAPPP. :D
-
Ang saya ni manong oh!
Anniv Forum
Ang Anniv Forum ay ang paraan ng UP KAPPP para maiharap ang mga sinusulong ng organisasyon sa mga mag-aaral ng UP sa isang mas pormal na plataporma. Kadalasang paksa ay mga napapanahong kaganapan sa bansa na tinitignan sa maka-Pilipinong perspektibo.\
-
Ang KAPPP Anniv Forum noong 2006.
-
It's All About Sex.
-
Ang Anniv Forum noong 2010 ay tumalakay sa Nasyonalismo bilang isang fashion trend sa kasalukuyan.
-
Ang BAHALA NA! ay ginanap noong Anniv Month ng 2012.
Anniv Night
Ang Anniv Night ang taunang pagtitipon ng lahat ng resident at alumni members ng UP KAPPP. Nagsisilbi itong gabi ng pagsariwa sa kung ano ba ang ibig sabihin ng pagiging kasapi ng UP KAPPP.
-
2004 Anniv Photo.
-
Ang Anniv night namin, 2006.
-
Ang 2007 Anniv Night.
-
Ang saya saya!
-
Anniv Night 2011 poster.
Pamamahagi ng Freshie Kits
Nakahanay sa prinsipyo ng pagbibigay-kalinga sa mga mag-aaral, ang UP KAPPP ay namamahagi ng mga kalidad na freshie kits sa mga freshmen ng kolehiyo pagsapit ng unang linggo ng pasukan. Naglalaman ito ng mga gabay at kagamitan na malaki ang naitutulong sa mga estudyante sa kanilang mga unang araw sa CSSP.
-
Freshie Kit 2012!
-
Unang hawak mo pa lang sa freshie kit ng KAPPP, sasaya ka na!
Alternative Classroom Learning Experience (ACLE)
Ang ACLE ay isang semestral na kaganapan ng University Student Council (USC) kung saan ang mga organisasyon ay lilikha ng mga alternatibong paraan para magbahagi ng mga makabagong kaalaman sa mga estudyante. Ang UP KAPPP ay isang aktibong kontributor sa ACLE.
-
ACLE noong August 17, 2006.
-
Ang saya ng ACLE!
-
Ang UP KAPPP ACLE noong 2009. Isa itong film showing ng pelikulang Slumdog Millionaire.
-
Ang UP KAPPP ACLE noong unang semestre ng 2011 na tumatalakay sa epekto ng isang zombie apocalypse sa Agham Panlipunan at Pilosopiya.
-
Si Trance Nuñez habang pinapaliwanag sa mga mag-aaral ang kinalaman ng zombie sa pagtatala ng kasaysayan.
-
Ang ST 2011-2012 matapos ang ACLE 2011.
Free ID Photos
Naging tradisyon na sa UP KAPPP mula noong 2011 ang pamamahagi libreng ID photos sa lahat ng mag-aaral ng unibersidad. Ang gawaing ito ay nakahanay din sa pagbibigay-kalinga ng Kalipunan at ginaganap sa unang linggo ng pasukan.
-
Ang "Free ID Photos" poster ng UP KAPPP noong ikalawang semestre ng A.T. 2011-2012.
-
Free ID Photos ng first sem, 2012.
Proseso ng KAPPPlikasyon
Ang UP KAPPP ay tumatanggap ng undergraduate o graduate students ng UP Diliman na kumuha, kumukuha, o kukuha ng 15 units ng social sciences and philosophy (SSP) courses. Matapos ang Oryentasyon para sa Aplikasyon, ang mga tutuloy na aplikante ay sasailalim na sa Proseso ng KAPPPlikasyon na kasalukuyang nahahati sa labing-isang bahagi at kadalasang nagtatagal ng sampung linggo.
- Ang Buddy Bidding - Ang Buddy Bidding, na ginaganap sa unang araw ng proseso, ay ang pamamahagi ng UP KAPPP ng mga buddies sa mga KAPPPlikante. Ang bawat KAPPPlikante ay magkakaroon ng kanya-kanyang priority status na sinusukat sa kung gaano kadaming rummages ang maibabahagi nila sa UP KAPPP. Ang KAPPPlikanteng may pinakamataas na priority ang s'yang unang mamimili ng kanilang magiging buddy. Ang mga pangalan ng buddies ay nakatago sa kani-kanilang code names.
- Ang Pamamahagi ng Signature Sheet o Sig-sheet - Matapos ang Buddy Bidding, agad na ipapamahagi ng Direktor para sa Usaping Panloob ang sig-sheets ng mga KAPPPlikante. Ang magiging anyo ng sigsheets ay nakabase na sa pagkamalikhain ng mga aplikante. Layuning mapuno ito ng lagda ng mga kasapi bago matapos ang buong proseso.
- Ang KAPPPalagayan - Ang panayam na ito ay gaganapin sa pagitan ng KAPPPlikante at ng isang o higit pang mga kasaping tatalakay sa mga personal na buhay ng aplikante na naglalayong magkakilalanlan ang dalawa sa isang mas malalim at makabuluhang antas.
- Ang Unang Palihan ng mga Lupon o First Committee Workshops - Layunin ng UP KAPPP na hubugin ang kanyang mga susunod na kasapi sa pamamagitan ng committee workshops na pangungunahan ng Direktor para sa Usaping Panlabas (Labas Workshop), Kalihim (LuDoPu Workshop), Ingat-Yaman (Lupapi Workshop), at Punong Mananaliksik (LupePa Workshop). Ang mga palihang ito ay naglalayong magbigay ng mahahalagang kaalaman at kasanayan sa mga KAPPPlikante na magagamit nila sa loob at labas ng Kalipunan. Kadalasan itong nahahati sa apat na araw na nakakalat sa ikalawa at ikatlong linggo.
- Ang mga Gawaing Panlupon o Committee Activities - Matapos ang mga naunang palihan, magtatalaga ang UP KAPPP sa mga KAPPPlikante ng mga takda na may kinalaman sa gawain ng apat na lupong nabanggit sa taas. Kadalasang binibigyan ng isang linggo ang mga aplikante para makapagsumite ng output.
- Ang Ikalawang Palihan ng mga Lupon o Second Committee Workshops - Ang mga output na isusumite ng mga aplikante ay dadaan na sa pagbibigay-puna mula sa mga kasapi. Ito ay ginaganap sa isang buong araw sa ikalimang na linggo.
- Ang Palihan sa Pagsasapilipino o Pagsasapilipino Workshop - Isa sa mga pangunahing tunguhin ng UP KAPPP ang Pagsasapilipino ng Agham Panlipunan at Pilosopiya. Dahil dito, nabuo ang palihang ito na naglalayong magbigay-batid sa mga KAPPPlikante kung ano ba ang ibig-sabihin ng pagsasapilipino ng SSP. Ginaganap ito sa isang araw ng ikaanim linggo.
- Ang Sampaksaan ng mga KAPPPlikante o KAPPPlicants' Forum - Ito ay ginaganap sa isang hapon ng ika-pitong na linggo at ang nagsisilbing culminating activity ng mga KAPPPlikante. Dito na maipapamalas ang lahat ng mga natutunan ng mga aplikante mula sa mga palihan sa isang . Ang magiging taga-pakinig ng sampaksaang ito ay ang mga kasapi mismo ng UP KAPPP.
- Ang Constitution Study o Consti Study - Ang Saligang-Batas ng UP KAPPP ang nagsasaad ng lahat ng bagay na tumatalakay sa kalikasan ng UP KAPPP. Bilang isang susunod na kasapi, marapat lamang na pamilyar ang mga KAPPPlikante dito. Sa tulong ng Consti Study na ginaganap sa isang araw ng ika-walong linggo, mas mapapadali ang pag-aaral ng mga aplikante sa Saligang-Batas.
- Ang Huling Panayam o Final Interview - Ang FI ay ginaganap sa kahit anong araw ng ika-siyam na linggo at nahahati sa tatlong bahagi: Ang Consti na susukat sa kaalaman sa Saligang-Batas ng UP KAPPP; Ang Sig-sheet na susukat sa naging relasyon ng aplikante sa kanyang buddy, sa kanyang co-apps at sa mga KAPPPips, at; Ang Extemporaneous Speech na susukat sa kahusayan ng aplikante sa paghahayag ng kaalaman. Ang mga nagsipagtapos ng FI ay tatanghalin na bilang mga probationary members.
- Ang Induksyon ng mga KAPPPlikante - Ang Induksyon ay isang gabi ng kasiyahan para sa mga kasalukuyan at susunod na pormal na kasapi ng UP KAPPP. Dito manunumpa ang mga probationary members para tuluyan na silang maiproklama bilang pormal na mga kasapi. Ito rin ang gabing bibigyang-parangal ang mga natatanging KAPPPlikante.
-
Application Poster.
-
Application Orientation noong April 21, 2006
-
KAPPPlicants' Talents Night noong May 12, 2006.
-
Talents Night noong September 15, 2006.
-
Arggghhhh!
-
KAPPPlikasyon poster ng summer, 2011.
-
KAPPPlikasyon oster ng summer, 2012.
-
KAPPPlikasyon poster ng first sem, 2012.