Pagbubukas ng Sarsuwela Festival 2009: Difference between revisions
No edit summary |
Jvfallaria (talk | contribs) No edit summary |
||
Line 19: | Line 19: | ||
[[Category:UPD Memo]][[Category:Cultural Affairs]] | [[Category:UPD Memo|Sarsuwela Festival]][[Category:Cultural Affairs]] |
Revision as of 15:28, 15 September 2009
30 January 2009
Memorandum Blg. CSSC 09-07
Para sa mga: Dekano at Dekana, Pinuno ng Yunit, Guro at mga Empleyado, Tagapangulo ng Unibersidad at kolehiyo para sa mga Student Councils, Pinuno ng Student Organizations
Paksa: Pagbubukas ng Sarsuwela Festival 2009
Ipinaalam sa lahat ang pagdiriwang ng UP Diliman Arts Month 2009 o Buwan ng Sining sa UP Diliman sa darating na Pebrero. Muling ipamamalas ng ating kampus ang yaman at galing nito sa sining ng Pilipino. Sa taong ito, itatampok ang Sarsuwela, isang tradisyunal na anyo ng dula na may musika. Masasaksihan ng lahat ang Sarsuwela Festival 2009 sa pangunguna ng Opisina ng Chancellor sa pamamagitan ng Kolehiyo ng Arte at Literatura (KAL), at sa pakikipagtulungan ng Office for Initiatives in Culture and the Arts (OICA) mula Pebrero 1 hanggang 28. Bahagi ng Festival na ito ang pagpapalabas ng sarsuwela, kumperensiya na tatalakay sa mga pananaliksik at isyu hinggil dito, exhibition sa Vargas Museum, at Film showing hinggil sa sarsuwela.
Kaugnay nito, inaanyayahan ang lahat na makiisa at saksihan ang magaganap na pagbubukas ng Sarsuwela Festival 2009 sa pamamagitan ng isang parada sa ika-4 ng Pebrero 2009, Miyerkoles, ganap na ika-2 ng hapon sa buong academic oval. Ang paradang ito ay isang edukasyonal at interaktibo na pangungunahan ng mga opisyales ng UP kasama ang mga sarsuwelistang magtatanghal upang ipamalas sa madla ang ebolusyon ng sining ng sarsuwela.
Inaasahan ang inyong napakahalagang pakikilahok sa mga gawaing ito.
Sergio S. Cao
Chancellor