Kabit, Sabit: Isang Pagsusuri sa Representasyon ng Babae bilang Kabit sa Telenobelang The Legal Wife: Difference between revisions
m Text replacement - "http://iskwiki.upd.edu.ph" to "https://iskomunidad.upd.edu.ph" |
m Text replacement - "iskomunidad.upd.edu.ph/flipbook/" to "iskwiki.upd.edu.ph/" |
||
Line 9: | Line 9: | ||
'''KEYWORDS''': kabit, representasyon, telenobela, The Legal Wife, critical discourse analysis | '''KEYWORDS''': kabit, representasyon, telenobela, The Legal Wife, critical discourse analysis | ||
[https:// | [https://iskwiki.upd.edu.ph/viewer/?fb=2011-19839-CornalCM View Thesis] | ||
[[Category:Theses]][[Category:CMC Thesis]][[Category:Department of Broadcast Communication Thesis]][[Category:2015 Thesis]][[Category:Representasyon]][[Category:Kabit]] [[Category:The Legal Wife]] [[Category:Semiotics]][[Category:Critical Discourse Analysis]] | [[Category:Theses]][[Category:CMC Thesis]][[Category:Department of Broadcast Communication Thesis]][[Category:2015 Thesis]][[Category:Representasyon]][[Category:Kabit]] [[Category:The Legal Wife]] [[Category:Semiotics]][[Category:Critical Discourse Analysis]] |
Latest revision as of 10:57, 30 August 2022
Cornal, M. F. Y. D. S. (2015). Kabit, Sabit: Isang Pagsusuri sa Representasyon ng Babae bilang Kabit sa Telenobelang The Legal Wife. Unpublished Undergraduate Thesis, University of the Philippines, Diliman.
ABSTRAKT
Bilang pagnanais na bigyan ng linaw ang ilan sa mga aspekto ng isang karakter ng babae na matagal nang pumukaw ng aking interes, sinuri ng papel na ito ang diskurso ng representasyon ng karakter ng kerida sa telenobelang The Legal Wife. Sinuri ang datos nang naaayon sa giya ng critical discourse analysis ni Norman Fairclough, at sa teorya ni Stuart Hall ng representasyon at Semiotics. Natuklasan sa pag-aaral na ito na bagamat mayroong mga pagtatangkang ilabas sa kahon ng isteryotipo ang kabit ay malakas pa rin ang puwersa ng tradisyunal na lipunang Filipino sa pagkulong dito. Ipinakita sa telenobela na ang kabit ay mayroong kakayahang pinansyal at mayroong kaluluwa na bumubuo sa kanya bilang isang tao ngunit sadyang mahirap makawala sa gapos ng patriarkal at mapaniil na lipunan. Ilan lamang sa mga salik na nagsisilbing rehas na kumukulong sa kabit ay ang mga negatibong salitang ginagamit na pantukoy at panlarawan, ang hindi pagkakaroon ng maayos na pamilya, ang pagkawalang-sala ng lalaki at macho mentality, at ang pangingibabaw ng isang pagkakamali kaysa buong pagkatao ng babae. Bukod sa layuning maunawaan nang mas mabuti ang kabit sa lipunang Filipino ay isinagawa ang pananaliksik na ito upang makatulong sa lumalagong lokal na pag-aaral sa representayon ng babae sa telebisyon at hikayatin ang mga manunuod na maging mas mapanuri sa mga isteryotipo na pinapalaganap ng telebisyon na nagiging mapaniil hindi lamang sa mga babae kundi sa lahat ng kasarian.
KEYWORDS: kabit, representasyon, telenobela, The Legal Wife, critical discourse analysis