Kapit sa patalim ang diskurso sa filipino overseas workers sa pelikulang pilipino mula 1980 hanggang 2017: Difference between revisions

From Iskomunidad
Emgwee (talk | contribs)
Created page with "'''Abstract''' Gwee, E.M. (2018). Kapit sa Patalim: Ang Filipino Overseas Workers sa Pelikulang Pilipino mula 1980 hanggang 2017. Unpublished Undergraduate Thesis, University..."
 
Iskwiki.admin (talk | contribs)
m Text replacement - "http://iskwiki.upd.edu.ph" to "https://iskomunidad.upd.edu.ph"
Line 10: Line 10:
Mga susing salita: OFW, pelikula, episteme, discourse analysis, kasaysayan  
Mga susing salita: OFW, pelikula, episteme, discourse analysis, kasaysayan  
                                                  
                                                  
[http://iskwiki.upd.edu.ph/flipbook/viewer/?fb=2014-05722-Gwee,-Es View Thesis]
[https://iskomunidad.upd.edu.ph/flipbook/viewer/?fb=2014-05722-Gwee,-Es View Thesis]
   
   
[[Category: <College of Mass Communication> Thesis]][[Category:Theses]][[Category:<Broadcast Communication>]][[Category:2018 Thesis]]
[[Category: <College of Mass Communication> Thesis]][[Category:Theses]][[Category:<Broadcast Communication>]][[Category:2018 Thesis]]

Revision as of 13:03, 16 June 2022

Abstract

Gwee, E.M. (2018). Kapit sa Patalim: Ang Filipino Overseas Workers sa Pelikulang Pilipino mula 1980 hanggang 2017. Unpublished Undergraduate Thesis, University of the Philippines College of Mass Communication.

Sinuri ng pag-aaral na ito ang mga diskurso sa OFW sa ilang pelikulang Pilipino mula 1980 hanggang 2017. Gamit ang teorya ng diskurso ni Michel Foucault na may tuon sa episteme, tinukoy ng mananaliksik ang mga sumusunod: (1) kasaysayan ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa, (2) epekto ng aspetong sosyal, kultural, pang-ekonomiya, at pulitikal sa mga ito, at (3) paano nagbago ang diskurso sa paglipas ng panahon, bilang laman ng mga pelikulang Pilipino. Mula sa 51 naitalang pelikula, 45 ang napanood ng mananaliksik. Matapos tukuyin ang diskurso sa bawat pelikula, isinagawa ang periodization upang matukoy ang iba’t ibang panahon sa kasaysayan ng mga overseas worker. Sa tulong ng mga literatura, balita, at mga polisiya, apat na yugto sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino ang natukoy: (1) 1980 – 1986: mga diskurso ni Gil M. Portes sa overseas worker, (2) 1993 – 1998: mga diskurso ng pagkabagabag ng OCW, (3) 2000: diskurso sa kaganapan ng inang OFW, at (4) 2001 – 2017: mga diskurso at counter-discourse sa OFW. Natukoy ng mananaliksik na ang apat na yugtong ito ay nasa ilalim lang ng iisang episteme dahil hindi maihihiwalay ang kaalaman, kasaysayan, at kapangyarihan mula 1980 hanggang 2017 dahil konektado sa isa’t isa ang mga pangyayari sa kasaysayan ng OFW. Bukod dito, mayroong dalawang mukha ang episteme: ang pagkapit ng overseas workers sa pangakong magandang kinabukasan ang kanilang mararanasan sa pagpunta sa ibang bansa at sa pagkapit ng gobyerno sa mga OFW para maiahon o maisalba ang ekonomiya ang Pilipinas. Piniling maging bulag ng gobyerno sa tunay na suliraning kinahaharap ng OFW. Hangga’t hindi nagkakaroon ng trabahong magbibigay ng sapat na sweldo sa mga Pilipino, hindi mabubuwag ang pagkapit sa patalim ng isa’t isa –ng gobyerno at OFW. Dahil nakapagbigay at nakapagsuri ang mananaliksik ng mga diskursong nangibabaw tungkol sa mga overseas worker, ang mga natukoy ay maaari maging tuntungan para sa mas malalim pang pagsusuri sa mga ispesipikong diskurso. Bukod sa pelikula, maaari ring pag-aralan ang kasaysayan ng OFW sa telebisyon.

Mga susing salita: OFW, pelikula, episteme, discourse analysis, kasaysayan

View Thesis

[[Category: <College of Mass Communication> Thesis]][[Category:<Broadcast Communication>]]