Docu (women) tary: a textual analysis on the similarities and differences in the representation of women in poverty in I-Witness and Kodao documentaries: Difference between revisions

From Iskomunidad
No edit summary
Iskwiki.admin (talk | contribs)
m Text replacement - "http://iskwiki.upd.edu.ph" to "https://iskomunidad.upd.edu.ph"
 
Line 17: Line 17:
Miguel, J.D. (2013). Docu(women)tary: A textual analysis of the similarities and differences in the representation of women in poverty in I-Witness and Kodao documentaries, Unpublished Undergraduate Thesis, University of the Philippines Diliman.
Miguel, J.D. (2013). Docu(women)tary: A textual analysis of the similarities and differences in the representation of women in poverty in I-Witness and Kodao documentaries, Unpublished Undergraduate Thesis, University of the Philippines Diliman.


[http://iskwiki.upd.edu.ph/flipbooks/THESIS.zip1414/ View Thesis]
[https://iskomunidad.upd.edu.ph/flipbooks/THESIS.zip1414/ View Thesis]






[[Category:CMC Thesis]][[Category:Theses]][[Category:Department of Broadcast Communication Thesis]][[Category:2013 Thesis]]
[[Category:CMC Thesis]][[Category:Theses]][[Category:Department of Broadcast Communication Thesis]][[Category:2013 Thesis]]

Latest revision as of 12:59, 16 June 2022

ABSTRACT


This study aims to determine how documentaries represent women in poverty. I analyzed the images shown in I-Witness and Kodao Productions by using textual analysis. I-Witness and Kodao are chosen to determine the similarities and differences of mainstream (I-Witness) and alternative media (Kodao) in their women representation. Feminism serves as a framework of this study. Cultural feminism is used to analyze I-Witness episodes whereas Marxist feminism on Kodao. My assumption is that these frameworks might have been embedded in images and language shown in the corresponding documentaries. I have gained interest to examine women under conditions of poverty since it has been a pervading theme in Philippine documentaries. Featuring the lack of basic needs and services being suffered by people belonging to the lower class, these documentaries have continuously shaped and re-shaped the public perception of poverty through the images represented in every episode. As part of the audience, I have observed that women have always been presented as case studies particularly on issues about equality, women’s rights, reproductive health, labor force, and other societal issues. Thus, this has prompted me to work in a study which examines the representation of women in poverty. The study has analyzed that women are indeed suffering in absolute poverty. Women lack freedom due to deprivation of basic needs and services. It has been examined that there are certain behaviours and traits of women which characterized the persistence of poverty. However, it has also been analyzed that there have been attempts to resist not only the traditional roles ascribed to women but also the oppressive patriarchal system itself which subordinates women. Keywords: women, poverty, documentaries, representation

ABSTRAKT

Ang pag-aaral ito ay naglalayong suriin kung paano isinasalarawan ng mga dokumentaryo ang kababaihang nakararanas ng kahirapan. Aking sinuri ang mga imahe na ipinapakita sa I-Witness at Kodao Productions sa pamamaraang textual analysis. Pinili ko ang I-Witness at Kodao upang alamin ang pagkakapareho at pagkakaiba ng mainstream at alternative media sa paglalarawan ng kababaihan. Feminismo ang nagsilbing gabay sa aking pag-aaral. Cultural feminism ang aking ginamit para suriin ang mga episode ng I-Witness habang Marxist feminism naman ang sa Kodao. Ito ay batay sa aking pagpapalagay na ang mga balangkas na ito ay nakalakip sa mga ideolohiya na nagpapairal sa manipulasyon ng mga larawan at paggamit ng wika sa mga dokumentaryong nabanggit. Nagkaroon ako ng interes na suriin ang pagsasalarawan sa kababaihang nasa kahirapan dahil ito mismo ang kadalasang tema ng mga dokumentaryo sa bansa. Ipinapakita rito ang kakulangan sa mga pangunahing pangangailangan at serbisyo na kinakaharap ng mga taong kabilang sa mababang uri ng lipunan. Ang mga dokumentaryong ito rin ang patuloy na humuhubog sa pag-unawa ng publiko tungkol sa kahirapan sa pamamagitan ng kanilang pagsasalarawan sa bawat episode. Bilang isang manunuod, napapansin ko na kadalasang ang kababaihan ang kanilang ginagawang case studies lalo na sa mga isyung patungkol sa pagkakapantay-pantay, karapatan ng kababaihan, reproductive health, kilusang paggawa, at iba pang isyu ng lipunan. Ang mga ito ang humimok sa akin na gumawa ng isang pag-aaral na sumusuri sa pagsasalalarawan ng kababaihang nasa kahirapan. Lumabas sa pag-aaral na ito na ang kababaihan ay tunay na nakararanas ng matinding kahirapan. Sila ay hindi ganap na malaya sa kadahilanang hindi nila nakakamit nang sapat ang mga pangunahing pangangailangan at serbisyo ng estado. Napag-alaman din sa pag-aaral na ito na mayroong pangkaraniwang pag-uugali at katangian ang kababaihan na sumasalamin sa patuloy na pagdanas nila ng kahirapan. Ngunit ayon din sa pagsusuri ay mayroon din namang mga pagtatangka na kalabanin hindi lamang ang mga tradisyonal na papel na tinakda ng lipunan sa kababaihan kundi pati na rin ang mapang-aping sistemang patriyarkal na sumusupil sa kababaihan. Keywords: kababaihan, kahirapan, dokumentaryo, representasyon/ pagsasalalarawan

Miguel, J.D. (2013). Docu(women)tary: A textual analysis of the similarities and differences in the representation of women in poverty in I-Witness and Kodao documentaries, Unpublished Undergraduate Thesis, University of the Philippines Diliman.

View Thesis