Ang Pagkababae: Sandata, Hindi Sumpa: Difference between revisions
Msalcantara3 (talk | contribs) No edit summary |
Msalcantara3 (talk | contribs) No edit summary |
||
Line 13: | Line 13: | ||
'''Keywords:''' babae, panggagahasa, mito, feminismong radikal, patriyarkiya, semiotics, self-reflexivity, Lino Brocka | '''Keywords:''' babae, panggagahasa, mito, feminismong radikal, patriyarkiya, semiotics, self-reflexivity, Lino Brocka | ||
[http://iskwiki.upd.edu.ph/flipbook/viewer/?fb=2012-27854-Alcantar View Thesis] | |||
[http://iskwiki.upd.edu.ph/flipbook/viewer/?fb=2012-27854- | |||
[[Category: CMC Thesis]][[Category:Theses]][[Category:Department of Broadcast Communication]][[Category:2016 Thesis]] | [[Category: CMC Thesis]][[Category:Theses]][[Category:Department of Broadcast Communication]][[Category:2016 Thesis]] |
Revision as of 14:35, 7 June 2016
Alcantara, M.C.E.S. (2016). Ang pagkababae: Sandata, hindi sumpa: Isang Panunuring Textual sa mga Electronically Mediated na Imahe ng mga Babaeng Biktma at Survivor ng Panggagahasa sa mga Piling Pelikula ni Lino Brocka at Isang Self-Reflexive na Pagsusuri sa Sarili, Unpublished Undergraduate Thesis, University of the Philippines Diliman College of Mass Communication.
Abstrakt
Sinusuri ng pananaliksik na ito ang representasyon, danas, at pansariling representasyon ng pagkababae kaugnay ng kultura ng panggagahasa. Nakatutok ang pag-aaral na ito sa pagsusuri ng mga electronically mediated na imahe ng kababaihang biktima at survivor ng panggagahasa sa mga pekikula ni Lino Brocka, at kung paano ko tinitingnan at dinaranas ang mga representasyong ito bilang isang babae at isang feminista.
Feminismong radikal ang batayang lenteng ginagamit ko sa pagbabasa ng mga pelikula. Inuugat nito ang pang-aapi sa kababaihan sa patriyarkiya. Gamit ang teorya ng representasyon ni Stuart Hall at semiotics ni Roland Barthes, sinisiyasat ko ang pelikula gamit ang panunuring textual. Maaaring ituring na broadcast text ang mga pelikula sa pamamagitan ng electronic mediation – sa pagsasalin nito sa digital na anyo. Sinusuri ko (1) ang pagsasakatauhan sa mga babaeng biktima at survivor ng panggagahasa at mga rapist (2) ang mga kadahilanan ng krimen, at (3) ang mga itinatampok, sinusuportahan, at pabubulaanang mga mito ng kultura ng panggagahasa sa mga pelikula.
Upang magkaroon ng espasyo upang maiparating ang aking saloobin bilang isang texto, ginagamit ko ang self-reflexive analysis. Tinatalakay ko rin ang aking pansariling representasyon at karanasan sa iba’t ibang espasyo kasama ang iba’t ibang tao.
Ang pag-aaral na ito ay inaasahang makapagdudulot ng pagkakaunawa sa iba’t ibang porma ng karahasang sexual na aking nararanasan bilang isang babae at ang pang-aalipusta ng patriyarkiya na aking kinikilala, nilalabanan, at nilalayong wakasan.
Keywords: babae, panggagahasa, mito, feminismong radikal, patriyarkiya, semiotics, self-reflexivity, Lino Brocka