History of the University of the Philippines: Difference between revisions

From Iskomunidad
Famacale (talk | contribs)
No edit summary
Famacale (talk | contribs)
No edit summary
Line 8: Line 8:
'''1909'''  
'''1909'''  


'''March 6''': Binuo ng '''Board of Regents (BOR)''' ang '''Kolehiyo ng Agrikultura''' sa Los Banos.
'''March 6''': Binuo ng '''Board of Regents (BOR)''' ang '''Kolehiyo ng Agrikultura''' (College of Agriculture) sa Los Banos.


Itinatag din ang '''Escuela de Bellas Artes''' na kalauna'y magiging '''[http://iskwiki.upd.edu.ph/index.php/UP_College_of_Fine_Arts College of Fine Arts]'''. Ang mga klase ay isinagawa sa isang bahay sa Kalye R. Hidalgo sa Quiapo, Maynila.
Itinatag din ang '''Escuela de Bellas Artes''' na kalauna'y magiging '''[http://iskwiki.upd.edu.ph/index.php/UP_College_of_Fine_Arts College of Fine Arts]'''. Ang mga klase ay isinagawa sa isang bahay sa Kalye R. Hidalgo sa Quiapo, Maynila.
Line 15: Line 15:
'''1910'''
'''1910'''


'''June 3''': Itinatag ang '''Kolehiyo ng Pilosopiya, Agham at Letra''' at '''[http://iskwiki.upd.edu.ph/index.php/UP_College_of_Engineering Kolehiyo ng Inhineriya]'''.
'''June 3''': Itinatag ang '''Kolehiyo ng Pilosopiya, Agham at Letra''' (College of Philosophy, Science and Letters) at '''[http://iskwiki.upd.edu.ph/index.php/UP_College_of_Engineering Kolehiyo ng Inhineriya]''' (College of Engineering).


'''August''': Ang '''College Folio''' ay nasaimprenta. Ito ang kauna-unahang publikasyong pangmag-aaral sa bansa na nasa wikang Ingles. Ang una nitong editor ay si '''Victoriano Yamzon''' at una itong ibinenta sa halagang 30 sentimos.  
'''August''': Ang '''College Folio''' ay nasaimprenta. Ito ang kauna-unahang publikasyong pangmag-aaral sa bansa na nasa wikang Ingles. Ang una nitong editor ay si '''Victoriano Yamzon''' at una itong ibinenta sa halagang 30 sentimos.  

Revision as of 11:14, 11 March 2009

I. Pagbubuo ng Pamantasan

1908

June 18: Itinatag ang Pamantasan ng Pilipinas sa probisyon ng Pangkat 1 ng Batas blg. 1870.


1909

March 6: Binuo ng Board of Regents (BOR) ang Kolehiyo ng Agrikultura (College of Agriculture) sa Los Banos.

Itinatag din ang Escuela de Bellas Artes na kalauna'y magiging College of Fine Arts. Ang mga klase ay isinagawa sa isang bahay sa Kalye R. Hidalgo sa Quiapo, Maynila.


1910

June 3: Itinatag ang Kolehiyo ng Pilosopiya, Agham at Letra (College of Philosophy, Science and Letters) at Kolehiyo ng Inhineriya (College of Engineering).

August: Ang College Folio ay nasaimprenta. Ito ang kauna-unahang publikasyong pangmag-aaral sa bansa na nasa wikang Ingles. Ang una nitong editor ay si Victoriano Yamzon at una itong ibinenta sa halagang 30 sentimos.

Itinatag din ang Philippine Medical School at College of Veterinary Science.


1911

June 1: Naupo bilang kauna-unahang pangulo ng pamantasan hanggang 1915 si Murray S. Bartlett.

June 30: Ang Kolehiyo ng Pilosopiya, Agham at Letra ay tinawag na College of Liberal Arts.

Nabuo ang College of Law mula sa Young Men's Christian Association Law School.

Isinagawa ang kauna-unahang Araw ng Pagtatapos (Annual University Commencement)

Itinatag ang University Council.


1912

Nagtapos bilang kauna-unahang doktor na Pilipina si Maria Paz Mendoza mula UP College of Medicine and Surgery.


1913

Itinayo ang University Hall sa Padre Faura, Maynila. Ito ang kinaluluklukan ng Department of Justice sa kasalukuyan.

Itinatag ni Dekano George A. Malcolm ang Alumni Association.

Itinatag ang School of Education sa ilalim ng College of Liberal Arts.


1914

Sinimulan ang pagtuturo ng kursong Pharmacy at Dentistry.


1915

Naupo kapalit ni Bartlett si Ignacio B. Villamor, ang unang Pilipinong pangulo ng pamantasan.

Itinatag ang Junior College of Cebu.

Ang School of Education ay itinaas bilang ganap na Kolehiyo ng Edukasyon.

Inimprenta ang The Philippinensian.


1916

Itinatag ang UP High School bilang sanayan ng mga mag-aaral ng Kolehiyo ng Edukasyon.

Itinatag sa Los Banos ang School of Forestry.

Isinabatas ang pagtatayo sa Conservatory of Music (Batas blg. 2623)

Si Pablo Lorenzo ay naupo sa BOR. si Lorenzo ang kauna-unahang alumni representative sa BOR.


ITUTULOY PO...