UP KAPPP: Difference between revisions

From Iskomunidad
Rdvelasco (talk | contribs)
Rdvelasco (talk | contribs)
Line 234: Line 234:
====Grand Pakain====
====Grand Pakain====
Sa huling araw ng unang linggo ginaganap ang Grand Pakain. Nagsisilbi itong pagdiriwang ng pagkakabuo ng UP KAPPP kasama ang iba pang mga mag-aaral ng pamantasan.
Sa huling araw ng unang linggo ginaganap ang Grand Pakain. Nagsisilbi itong pagdiriwang ng pagkakabuo ng UP KAPPP kasama ang iba pang mga mag-aaral ng pamantasan.
<gallery>
Image:Pakain_2012_1.jpg|Anniv Pakain 2012.
Image:Pakain_2012_4.jpg|Anniv Pakain 2012.
</gallery>


====Anniv Palaro====
====Anniv Palaro====

Revision as of 15:52, 17 August 2012


UP Kalipunan para sa Agham Panlipunan at Pilosopiyang Pilipino (UP KAPPP)


Itinatag Hulyo 3, 2000
Mga Salita Makatotohanan. Makabuluhan.

Makabayan.

Punong Himpilan Palma Hall, University of the Philippines, Diliman Quezon City, Philippines 1101
Website http://www.fb.com/upkappp
SANGGUNIANG TAGAPAGPAGANAP
A.T. 2012-2013
Suprema Karla Mae de Leon
Direktor para sa Usaping Panloob Niña Dianne Santiago
Direktor para sa Usaping Panlabas Rienzi Niccolo Velasco
Kalihim John Arvin Buenaagua
Ingat-Yaman Darrell John Magsambol
Punong Mananaliksik Eufemio Agbayani III
Mga Gurong Tagapayo Kerby Alvarez

Perseville Mendoza

Ang UP Kalipunan para sa Agham Panlipunan at Pilosopiyang Pilipino o UP KAPPP ay ang nag-iisang pang-kolehiyong akademikong organisasyon sa UP College of Social Sciences and Philosophy para sa mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Pangunahing sinusulong nito ang multi-perspektibong pag-aaral ng Pilipinong Agham Panlipunan at Pilosopiya.


Pagkakatatag


Nakaugat ang kasaysayan ng UP KAPPP sa adhikain ng BUKLOD CSSP na maisulong ang isang multi-disiplinaryong pag-aaral ng Agham Panlipunan at Pilosopiyang Pilipino; mapalakas ang paglahok sa mga gawaing pulitikal; at sa pangkalahatan, mapaglingkuran ang kolehiyo, unibersidad, at sambayanang Pilipino. Ito ang naging dahilan upang mabuklod ang mahigit 50 mag-aaral ng UP College of Social Sciences and Philosophy (CSSP) para umpisahan ang pagtatag ng organisasyon noong Hulyo 2000.

Sa pangunguna nina Ja’pee de Leon, Pangulo ng BUKLOD CSSP; Mary Rose Rodriguez, History Representative sa CSSP Student Council, at Atoy Navarro, Gurong Tagapayo ng BUKLOD CSSP; binalangkas ang Saligang Batas ng organisasyon na pinagtibay ng mga kasaping tagapagtatag noong Hunyo 2000. Matapos ito, agad na naganap ang Unang Pangkalahatang Eleksyon para sa pamunuang tagapagtatag ng organisasyon para sa Akademikong Taon 2000-2001. Dahil sa wala pang ipinagkakaloob na tambayan, nangyari ang eleksyon sa tambayan ng UP Lipunang Pangkasaysayan (UP LIKAS) kung saan nahalal sina Mary Rose Rodriguez (Kasaysayan) bilang Suprema, Paul Allan Cruz (Sosyolohiya) bilang Pangalawang Supremo, Paul Andrew Gorgonio (Agham Pampulitika) bilang Kalihim, Lisette Gaspar (Sosyolohiya) bilang Ingat-Yaman, at Ma. Carolina Perez (Sikolohiya) bilang Punong Mananaliksik. Naglilingkod naman bilang Gurong Tagapayong Tagapagtatag si Atoy Navarro.

Mga Lupong Pang-Organisasyon


Ang Sangguniang Tagapagpaganap o ST ang pangunahing tagapangasiwa ng UP KAPPP. Ito ay binubuo ng Supremo, Direktor para sa Usaping Panloob, Direktor para sa Usaping Panlabas, Kalihim, Ingat-Yaman at Punong Mananaliksik.

Ang kasalukuyang Sangguniang Tagapagpaganap. Mula kaliwa, pakanan, Niña, Zee, Eufy, Karla, Arvin, Darrell.

Ang Lupon para sa Usaping Panloob o Loob ang tagapamahala ng proseso ng aplikasyon,reapirmasyon, resignasyon, suspensyon at ekspalsyon. Ito ang nagpapanatili ng kantidad at kalidad sa mga kasapi ng organisasyon. Pinamumunuan ito ng Direktor para sa Usaping Panloob.

Ang Lupon para sa Usaping Panlabas o Labas ang pangunahing tagapamahala ng lahat ng ugnayan sa UP KAPPP Alumni, sa loob at labas ng kolehiyo at pamantasan, sa isponsors, at sa iba pang mga ugnayang panlabas. Pinamumunuan ito ng Direktor para sa Usaping Panlabas.

Ang Lupon para sa Dokumentasyon at Publisidad o LuDoPu ang gumaganap bilang pangunahing tagapagsadokumento at tagatala ng takbo ng mga gawain at pagkilos ng organisasyon. Ito rin ang pangunahing tagapaglikom, tagasinop at tagapag-ingat ng mga kasulatan, lathalain at iba pang materyales na pang-organisasyon, at naglalabas ng mga publisidad ng organisasyon. Pinamumunuan ito ng Kalihim.

Ang Lupon para sa Lohistika at Pananalapi o LuPapi ang gumaganap bilang pangunahing tagapundar ng suporta at tulong panglohistika para sa mga pangangailangan ng organisasyon. Ito rin ang may hawak ng responsibilidad sa pagpapananatili ng kaayusan ng mga pagkilos at mga pagmamay-ari ng organisasyon. Pinamumunuan ito ng Ingat-Yaman.

Ang Lupon para sa Edukasyon at Pananaliksik o LupePa ang gumaganap bilang pangunahing tagapagsagawa at tagapamahala ng mga pananaliksik sa mga isyu't usaping pang-Agham Panlipunan at Pilosopiyang Pilipino. Ito rin ang namamahala sa mga pag-aaral at pagsasanay ng organisasyon. Pinamumunuan ito ng Punong Mananaliksik.

Kasapian



KAPPPips 2012-2013
Pangalan Palayaw Antas at Kurso
Eufemio Agbayani III Eufy III BA History
Chris Erwin Alquizalas Chris III BA-MA Political Science
May Ann Borlongan May Ann IV BA Political Science
John Arvin Buenaagua Arvin II BA Political Science
Pam Louise Chua Pam I Law
Karla Mae de Leon Karla III BA Political Science
Maria Socorro de Villa Mia IV BA Linguistics
Denise Hanna Fajardo Denise IV BA Philosophy
Virginia Mara Favis Mara I MA Philosophy
Gene Angelo Ferrer Gene IV BA Political Science
Viktor Andre Fumar Viko I MA Psychology
Jason Jimenez Ja IV BS Clothing Technology
Maria Veronica Manalo Nica II BA Political Science
Lazaro Pabiona Arrow I Law
R-La Pudadera R-La IV BA Psychology
Darrell John Magsambol Darrell III BS Economics
Michael Trance Nuñez Trance I Law
Markus San Gabriel Markus IV BS Community Development
Niña Dianne Santiago Niña III BA Political Science
Walter Tamayo Walter IV BA History
Rienzi Niccolo Velasco Zee III BS Geography


Ang ilan sa mga kasapi ng UP KAPPP 2011-2012. Mula taas-kaliwa, clockwise, Pam Chua, Zee Velasco, Walter Tamayo, Niña Santiago, Arrow Pabiona, Denise Fajardo, Trance Nuñez, Darrell Magsambol, Karla de Leon, Ginx Petterson, Gene Ferrer, Allen Yu, Mabel Ogoshi.

Mga Gawain


Pagsasapilipino Educational Discussions

Hanay sa layunin ng UP KAPPP na magsulong ng multi-perspektibong pag-aaral ng Pilipinong Agham Panlipunan at Pilosopiya, nabuo ang konsepto ng "Pagsasapilipino ED", kung saan ang mga kasapi ng UP KAPPP at ilang kinatawan ng iba pang organisasyong may kinalaman sa paksa ay magtitipon at magpapalitan ng kaalaman. Ito ay may apat na bahagi: Pagpapakilala; Palitan ng Kaalaman; Kainan, at; Batuhan ng Katanungan.

Ang Pantayong Pananaw ED kasama ang UP LIKAS at UP KASAYSAYAN.
Isang halimbawa ng Random ED poster.

Educational Discussions

Maliban sa Pagsasapilipino ng mga Agham Panlipunan at Pilosopiya, tinatalakay din ng UP KAPPP sa pamamagitan ng mga ED ang mga napapanahong isyu sa bansa na ginagamitan ng maka-Pilipinong lente.


Buwan ng Anibersaryo

Ang Buwan ng Anibersaryo ay ginaganap sa buwan ng Hulyo at nahahati sa anim na bahagi.

Anniv Exhibit

Ang Anniv Exhibit ay ang opisyal na taunang eksibit ng UP KAPPP na nagsisilbing daan upang mas makilala pa ng karamihan ang kalikasan at kasapian ng organisasyon. Itinatayo ito sa AS Lobby sa unang linggo ng Hulyo, Martes hanggang Biyernes.

Grand Pakain

Sa huling araw ng unang linggo ginaganap ang Grand Pakain. Nagsisilbi itong pagdiriwang ng pagkakabuo ng UP KAPPP kasama ang iba pang mga mag-aaral ng pamantasan.

Anniv Palaro

Maaaring sa porma ng tagisan ng talino, o ng palakasan, ang Anniv Palaro ang masayang daan para mas makilala pa ng mga mag-aaral sa labas ng UP KAPPP ang mga makatotohanan, makabuluhan at makabayang adhikain ng organisasyon. Ginaganap ito sa ikalawang linggo ng Hulyo.

Patsuper

Ang Patsuper o Para sa Ating mga Tsuper ay ang pagbibigay-halaga ng organisasyon sa mga magigiting nating mga tsuper ng mga jeep. Ginaganap ito sa ikatlong linggo ng Hulyo kung saan nagpapamigay ng iba't-ibang mga bagay ang KAPPP sa mga tsuper tulad ng tubig, energy drinks, twalya, UP KAPPP stickers, atbp.


Anniv Forum

Ang Anniv Forum ay ang paraan ng UP KAPPP para maiharap ang mga sinusulong ng organisasyon sa mga mag-aaral ng UP sa isang mas pormal na plataporma. Kadalasang paksa ay mga napapanahong kaganapan sa bansa na tinitignan sa maka-Pilipinong perspektibo.

Anniv Night

Ang Anniv Night ang taunang pagtitipon ng lahat ng resident at alumni members ng UP KAPPP. Nagsisilbi itong gabi ng pagsariwa sa kung ano ba ang ibig sabihin ng pagiging kasapi ng UP KAPPP.

Ang 11th Anniv Night noong Hulyo 30, 2011 sa Kalayaan Bistro, Kalayaan Ave., QC.

Pamamahagi ng Freshie Kits

Nakahanay sa prinsipyo ng pagbibigay-kalinga sa mga mag-aaral, ang UP KAPPP ay namamahagi ng mga kalidad na freshie kits sa mga freshmen ng kolehiyo pagsapit ng unang linggo ng pasukan. Naglalaman ito ng mga gabay at kagamitan na malaki ang naitutulong sa mga estudyante sa kanilang mga unang araw sa CSSP.


Alternative Classroom Learning Experience (ACLE)

Ang ACLE ay isang semestral na kaganapan ng University Student Council (USC) kung saan ang mga organisasyon ay lilikha ng mga alternatibong paraan para magbahagi ng mga makabagong kaalaman sa mga estudyante. Ang UP KAPPP ay isang aktibong kontributor sa ACLE.

Ang ACLE ng UP KAPPP tungkol sa pagpapakamatay, 2nd sem ng 2011-2012.

Free ID Photos

Ang "Free ID Photos" poster ng UP KAPPP noong ikalawang semestre ng A.T. 2011-2012.

Naging tradisyon na sa UP KAPPP mula noong 2011 ang pamamahagi libreng ID photos sa lahat ng mag-aaral ng unibersidad. Ang gawaing ito ay nakahanay din sa pagbibigay-kalinga ng Kalipunan at ginaganap sa unang linggo ng pasukan.

Proseso ng KAPPPlikasyon


Ang UP KAPPP ay tumatanggap ng undergraduate o graduate students ng UP Diliman na kumuha, kumukuha, o kukuha ng 15 units ng social sciences and philosophy (SSP) courses. Matapos ang Oryentasyon para sa Aplikasyon, ang mga tutuloy na aplikante ay sasailalim na sa Proseso ng KAPPPlikasyon na kasalukuyang nahahati sa labing-isang bahagi at kadalasang nagtatagal ng sampung linggo.

  • Ang Buddy Bidding - Ang Buddy Bidding, na ginaganap sa unang araw ng proseso, ay ang pamamahagi ng UP KAPPP ng mga buddies sa mga KAPPPlikante. Ang bawat KAPPPlikante ay magkakaroon ng kanya-kanyang priority status na sinusukat sa kung gaano kadaming rummages ang maibabahagi nila sa UP KAPPP. Ang KAPPPlikanteng may pinakamataas na priority ang s'yang unang mamimili ng kanilang magiging buddy. Ang mga pangalan ng buddies ay nakatago sa kani-kanilang code names.
  • Ang Pamamahagi ng Signature Sheet o Sig-sheet - Matapos ang Buddy Bidding, agad na ipapamahagi ng Direktor para sa Usaping Panloob ang sig-sheets ng mga KAPPPlikante. Ang magiging anyo ng sigsheets ay nakabase na sa pagkamalikhain ng mga aplikante. Layuning mapuno ito ng lagda ng mga kasapi bago matapos ang buong proseso.
  • Ang KAPPPalagayan - Ang panayam na ito ay gaganapin sa pagitan ng KAPPPlikante at ng isang kasapi na tatalakay sa mga bagay-bagay na naglalayong magkakilalanlan ang dalawa sa isang mas personal na antas.
  • Ang Unang Palihan ng mga Lupon o First Committee Workshops - Layunin ng UP KAPPP na hubugin ang kanyang mga susunod na kasapi sa pamamagitan ng committee workshops na pangungunahan ng Direktor para sa Usaping Panlabas (Labas Workshop), Kalihim (LuDoPu Workshop), Ingat-Yaman (Lupapi Workshop), at Punong Mananaliksik (LupePa Workshop). Ang mga palihang ito ay naglalayong magbigay ng mahahalagang kaalaman at kasanayan sa mga KAPPPlikante na magagamit nila sa loob at labas ng Kalipunan. Kadalasan itong nahahati sa apat na araw na nakakalat sa ikalawa at ikatlong linggo.
  • Ang mga Gawaing Panlupon o Committee Activities - Matapos ang mga naunang palihan, magtatalaga ang UP KAPPP sa mga KAPPPlikante ng mga takda na may kinalaman sa gawain ng apat na lupong nabanggit sa taas. Kadalasang binibigyan ng isang linggo ang mga aplikante para makapagsumite ng output.
  • Ang Ikalawang Palihan ng mga Lupon o Second Committee Workshops - Ang mga output na isusumite ng mga aplikante ay dadaan na sa pagbibigay-puna mula sa mga kasapi. Ito ay ginaganap sa isang buong araw sa ikalimang na linggo.
  • Ang Palihan sa Pagsasapilipino o Pagsasapilipino Workshop - Isa sa mga pangunahing tunguhin ng UP KAPPP ang Pagsasapilipino ng Agham Panlipunan at Pilosopiya. Dahil dito, nabuo ang palihang ito na naglalayong magbigay-batid sa mga KAPPPlikante kung ano ba ang ibig-sabihin ng pagsasapilipino ng SSP. Ginaganap ito sa isang araw ng ikaanim linggo.
  • Ang Sampaksaan ng mga KAPPPlikante o KAPPPlicants' Forum - Ito ay ginaganap sa isang hapon ng ika-pitong na linggo at ang nagsisilbing culminating activity ng mga KAPPPlikante. Dito na maipapamalas ang lahat ng mga natutunan ng mga aplikante mula sa mga palihan sa isang . Ang magiging taga-pakinig ng sampaksaang ito ay ang mga kasapi mismo ng UP KAPPP.
  • Ang Constitution Study o Consti Study - Ang Saligang-Batas ng UP KAPPP ang nagsasaad ng lahat ng bagay na tumatalakay sa kalikasan ng UP KAPPP. Bilang isang susunod na kasapi, marapat lamang na pamilyar ang mga KAPPPlikante dito. Sa tulong ng Consti Study na ginaganap sa isang araw ng ika-walong linggo, mas mapapadali ang pag-aaral ng mga aplikante sa Saligang-Batas.
  • Ang Pormal na Panayam o Formal Interview - Ang FI ay ginaganap sa kahit anong araw ng ika-siyam na linggo at nahahati sa tatlong bahagi: Ang Consti na susukat sa kaalaman sa Saligang-Batas; Ang Sig-sheet na susukat sa naging relasyon ng aplikante sa kanyang buddy, sa kanyang co-apps at sa UP KAPPP sa nagdaang walong linggo, at; Ang Extemporaneous Speech na susukat sa kaalaman ng aplikante sa mga napapanahong kaganapan. Ang mga nagsipagtapos ng FI ay tatanghalin na bilang mga probationary members.
  • Ang Induksyon ng mga KAPPPlikante - Ang Induksyon ay isang gabi ng kasiyahan para sa mga kasalukuyan at susunod na pormal na kasapi ng UP KAPPP. Dito manunumpa ang mga probationary members para tuluyan na silang maiproklama bilang pormal na mga kasapi. Ito rin ang gabing bibigyang-parangal ang mga natatanging KAPPPlikante.


Mga Ugnayang Panlabas

UP ALYANSA

Buklod CSSP

CSSP Academic Circle

External Links

UP KAPPP on Facebook

UP KAPPP on Multiply