Mga Dulang Pantelebisyon ni Tony Perez: Difference between revisions

From Iskomunidad
CMC Thesis | Department of Broadcast Communication Thesis | Theses
CMC Thesis | Department of Broadcast Communication Thesis | Theses
Line 18: Line 18:




http://iskwiki.upd.edu.ph/flipbooks/mgadulangp1838 view thesis
[http://iskwiki.upd.edu.ph/flipbooks/mgadulangp1838 view thesis]

Revision as of 20:22, 25 March 2012

ANG PAG-AARAL SA MGA TEMA NG DULANG PANTELEBISYON NI TONY PEREZ, 1967-1972: TUNGO SA PANIMULANG PAGBABALANGKAS NG KASAYSAYAN NG DRAMANG PANTELEBISYON SA PILIPINAS


ABSTRAKT


HERRERA, A.M.R. (2012). Ang Pag-aaral sa mga Tema ng Dramang Pantelebisyon ni Tony Perez, 1967-1972: Tungo sa Panimulang Pagbabalangkas ng Kasaysayan ng Dramang Pantelebisyon sa Pilipinas, Unpublished Undergraduate Thesis, University of the Philippines-Diliman


Ang mga dulang pantelebisyon ay bahagi na ng buhay ng mga Filipino dahil halos araw-araw itong napapanood sa mga television sets, mula tanghali hanggang gabi. Ito rin ay patuloy na tinatangkilik ng mga manonood dahil nakaka-relate sila sa mga kwentong matutunghayan dito. Ngunit sa kabila ng kasalukuyang popularidad ng mga ito ay tila naisasawalang-bahala ang pagsasagawa ng mga pag-aaral tungkol dito na makatutulong sa malinaw na pagtukoy ng kasaysayan at pag-unlad nito. Kaya naman nilalayon ng pag-aaral na ito na punan ang mga puwang at kakulangang ito. Ninanais din nitong maging simula ng marami pang mas malalim at malawak na pananaliksik tungkol sa pag-unlad at pagbabago ng industriyang ito sa pagdaan ng panahon. Pokus ng pag-aaral na ito ang mga dramang pantelebisyon ng manunulat na si Tony Perez. Magsisimula ito sa paghahanap ng mga iskrip ng mga akda na ito at pagtukoy sa pangkalahatang tema ng mga ito. Sa pamamagitan nito ay magkakaroon tayo ng munti ngunit mahalagang kaalaman hinggil sa nilalaman ng ilang mga dramang pantelebisyon noong panahong iyon. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay magsisilbing isa sa marami pang mga tulay sa pagbuo ng kasaysayan, pagbabago at pag-unlad ng mga dulang pantelebisyon sa Pilipinas.


KEYWORDS: Tony Perez, dulang pantelebisyon, iskrip, kasaysayan, tema, pag-unlad


view thesis