UP Psychological Association: Difference between revisions
Line 75: | Line 75: | ||
UP Psychological Association. Matagal na kaming baliw, ngayon lang namin alam. | UP Psychological Association. Matagal na kaming baliw, ngayon lang namin alam. | ||
== | ==Mga Pinamamalita ng PsycA== | ||
=See Also= | =See Also= |
Revision as of 14:31, 24 May 2010
About PsycA
Ang UP PsycA ay isang samahan ng mga mag-aaral na naniniwalang iba-iba lang talaga sila at okay lang sa kanila yun. Tumatambay sa kung saan unang maisipan, mahusay sa pag-iisip ng paraang magsayang ng oras at pagdating sa punto na kailangan na ng kayod ay kakayurin nila hanggang sa bone marrow ang sarili nilang katawan. Isang organisasyong di mahilig mag kompromiso pagdating sa mga proyekto, at hindi natatakot sa limitasyong sinusungalngal sa kanila ng mundo.
Para sa UP PsycA, hindi ibig sabihing sobrang hirap, hindi na dapat gawin. Hindi natatakot gumawa ng mga activity na hindi pa nila nagagawa noon. Para sa UP PsycA hindi ibig sabihing seryoso ay hindi na nakakatawa, dahil kung merong bagay na expert ang PsycA yun ay ang humanap ng kalokohan, gumawa ng katatawanan at magsaboy ng sariwang-sariwa na kasiyahan.
Ang UP PsycA at ang mga myembro nito ay matatalino, masisipag, malakas kumain, mataas mangarap at mahirap hulihin. Ang UP PsycA ay parang Asylum, wala nga lang kaming Strait Jacket.
Executive Committee
Academic Year 2010-11
President: Andrew Alberto
Vice-President for Internal Affairs: Therese Marie Revilloza
Vice-President for External Affairs: Ernest Jean Angeles
Membership Committee Head: Melba Rae Erlano
Academic Committee Head: Janelle Camille Vargas
Publicity Committee Head: Joy Ericka Sacapaño
Finance Committee Head: Jonathan Xavier Sequeira
Panata ng Alagad ng PsycA
Panata ng Alagad ng PsycA,
Iniibig ko ang Pilipinas
Kina Kuya Narry ang aking tambayan
Ito ang tahanan ng madaming Love Team.
Gagawin ko ang lahat ng makakaya
Para alagaan ang
Dangal, Kahusayan,
Katapatan, Angas at Paglilingkod.
Isinusumpa kong
tunay akong kasapi ng PsycA,
Madumi Isip
Malakas Magsalita
At Kung Anu-Ano Pinag-gagagawa.
Kung Anu-ano pang Tungkol sa PsycA
Ang Nakaraan...
at Kasalukuyan na din kasi wala nang space.
Dulot ng bumubulwak na kakulitan, ang PsycA ay patuloy sa pagiging rakenrol the best number one sa pagsusumigasig maglingkod sa mga isko at iska ng Universe of Pipino - Diligan (UPD). Sunod na sunod na blockbuster super giant shuriken siopao ACLE bawat semestre na hindi lang tumatabo, TUMITIMBA sa takilya ng ACLE. Mga Forum na may mga isyung dapat talaga harapin ng mga Sikolohistang epal tulad mo. Oo ikaw! Nababasa namin isip mo! *evil laugh* Patuloy din ang pag brainwash namin sa mga kabataan sa pamamagitan ng taunang Quiz Bee. Gusto ko sanang ilista isa-isa pero grabe, andami.
Labing-pitong taon na mula nung itinatag,
labing-anim na taon nang nagpapagpag.
Tumatalon mula sa matataas na palapag.
UP Psychological Association. Matagal na kaming baliw, ngayon lang namin alam.
Mga Pinamamalita ng PsycA
See Also
PsycA.tk official website