Biyahe o Balita: Isang Panimulang Pag-aaral sa Epekto ng Pampublikong Pagbibiyahe sa Pagkonsumo ng Balita ng mga Empleyadong Komyuter ng Pacific Sun Solutions Inc.: Difference between revisions

From Iskomunidad
No edit summary
Iskwiki.admin (talk | contribs)
m Text replacement - "iskomunidad.upd.edu.ph/flipbook/" to "iskwiki.upd.edu.ph/"
 
(2 intermediate revisions by 2 users not shown)
Line 7: Line 7:
Keywords: pampublikong pagbibiyahe, pagkonsumo ng balita, Grounded Theory, Theory of Consumption
Keywords: pampublikong pagbibiyahe, pagkonsumo ng balita, Grounded Theory, Theory of Consumption


View Thesis: http://iskwiki.upd.edu.ph/flipbook/viewer/?fb=2015-07210-Punzalan#page-1
[https://iskwiki.upd.edu.ph/viewer/?fb=2015-07210-Punzalan#page-1 View Thesis]


[[Category:Theses]][[Category:CMC Thesis]][[Category:Department of Broadcast Communication Thesis]][[Category:2019 Thesis]]
[[Category:Theses]][[Category:CMC Thesis]][[Category:Department of Broadcast Communication Thesis]][[Category:2019 Thesis]]

Latest revision as of 10:36, 30 August 2022

Punzalan, A.P. (2019). Biyahe o Balita: Isang Panimulang Pag-aaral sa Epekto ng Pampublikong Pagbibiyahe sa Pagkonsumo ng Balita ng mga Empleyadong Komyuter ng Pacific Sun Solutions Inc. Hindi pa Nailathalang Undergradweyt na Tesis. Unibersidad ng Pilipinas, Diliman,Kolehiyo ng Pangmadlang Komunikasyon.

Bahagi na ng pang-araw-araw na pamumuhay ng karamihan sa ating manggagawa ang pagbibiyahe sakay ng pampublikong transportasyon. Sinuri ng pag-aaral na ito ang relasyon ng pampublikong pagbibiyahe at paraan ng pagkonsumo ng balita ng mga piling empleyadong komyuter. Nais suriin ng mananaliksik kung anu-ano ang ugnayan sa kanilang pagkonsumo ng balita—mula sa kanilang resepsyon hanggang sa aksyon na ginagawa nila rito. Partikular na pinili ang Pacific Sun Solutions Inc., isang kumpanya sa Ortigas, upang pagdausan ng pag-aaral.

Nangalap ng datos ang mananaliksik sa pamamagitan ng pagsasagawa ng sarbey at pakikipanayam. Dahil ito ay eksploratibong pag-aaral ukol sa relasyon ng commuting at pagkonsumo ng balita, ginamit ng mananaliksik ang Grounded Theory sa pagbuo at pag-aanalisa ng mga datos. Gamit naman ang Theory of Consumption sa pagbibigay-kahulugan sa paraan ng pagkonsumo ng balita ng mga empleyadong komyuter, natuklasan na nakakaapekto ang lifestyle ng mga empleyadong komyuter sa kanilang pagkonsumo ng balita gayundin ang iba pang salik gaya ng sarili at kapaligiran, pamilya, at paniniwala. Ito ang mga makapagsasabi kung ikokonsumo ba ng isang empleyadong komyuter ang balita o hindi. Bukod pa rito, natukoy rin ang mga salik na naaapektuhan matapos kumonsumo ng balita. Ito ay ang emosyon, gawi, at paniniwala.

Keywords: pampublikong pagbibiyahe, pagkonsumo ng balita, Grounded Theory, Theory of Consumption

View Thesis