Ang bata sa mga drama ng Hiraya Manawari: Tungo sa panimulang pagbabalangkas ng kasaysayan ng dramang Filipino sa telebisyon: Difference between revisions
New page: ABSTRAKT MARCIAL, J. V. (2012). ''Ang bata sa mga drama ng Hiraya Manawari:Tungo sa panimulang pagbabalangkas ng kasaysayan ng dramang Filipino sa telebisyon.'' Unpublished Undergraduate... |
No edit summary |
||
(9 intermediate revisions by 4 users not shown) | |||
Line 1: | Line 1: | ||
ABSTRAKT | ABSTRAKT | ||
Bahagi ang drama ng buhay ng mga Filipino, at patunay ang paglaganap ng mga dramang pantelebisyon sa mainit na pagtangkilik ng mga Filipino sa mga programang ito. Habang karamihan sa mga pag-aaral tungkol sa dramang Filipino ay tumatalakay sa mundo ng teatro, tatalakayin naman ng pag-aaral na ito ang mga drama sa telebisyon. Karaniwang kategorya ng drama sa telebisyon ang mga programa tungkol sa trahedya at pag-ibig sa pagitan ng mayaman at mahirap subalit kinikilala sa pag-aaral na ito ang mga drama na isinulat para magbigay-aral at aliw sa mga batang manonood. Bilang isang pag-aaral deskriptibo at historikal, layunin nito sa kabuuan na makaambag sa pagbubuo ng isang komprehensibong kalipunan ng mga impormasyon tungkol sa kasaysayan ng dramang pantelebisyon sa bansa. | |||
Ang programang ''Hiraya Manawari'', isang ''values education program'' sa telebisyon na ipinrodyus noong 1995 ng ABS-CBN Foundation, Inc., ang paksa ng pag-aaral na ito. Layunin nitong makilala ang bata sa programa batay sa kanyang naging pagbabago at mga gampanin sa lipunan. Kinikilala ang bata sa programa sa pamamagitan ng pagsusuri sa 20 episodyo ng drama. Kabilang sa pag-aaral na ito ang isang antolohiya ng mga iskrip na isinalin mula sa panonood ng mga sinuring episodyo. | |||
MARCIAL, J. V. (2012). ''Ang bata sa mga drama ng Hiraya Manawari:Tungo sa panimulang pagbabalangkas ng kasaysayan ng dramang Filipino sa telebisyon.'' Unpublished Undergraduate Thesis, University of the Philippines, College of Mass Communication. | MARCIAL, J. V. (2012). ''Ang bata sa mga drama ng Hiraya Manawari:Tungo sa panimulang pagbabalangkas ng kasaysayan ng dramang Filipino sa telebisyon.'' Unpublished Undergraduate Thesis, University of the Philippines, College of Mass Communication. | ||
Mga Keyword: dramang Filipino, dramang pantelebisyon, kasaysayan, ''Hiraya Manawari'', bata | |||
[https://flipbook.upd.edu.ph/view/738396f85b404b9b85cbd7d155e1da7c.pdf View Thesis] | |||
[[Category:Theses]][[Category:CMC Thesis]][[Category:Department of Broadcast Communication Thesis]][[Category:Thesis--dramang Filipino]][[Category:Thesis--dramang pantelebisyon]][[Category:Theses]] | |||
[[Category:2012 Thesis]] |
Latest revision as of 07:25, 17 December 2024
ABSTRAKT
Bahagi ang drama ng buhay ng mga Filipino, at patunay ang paglaganap ng mga dramang pantelebisyon sa mainit na pagtangkilik ng mga Filipino sa mga programang ito. Habang karamihan sa mga pag-aaral tungkol sa dramang Filipino ay tumatalakay sa mundo ng teatro, tatalakayin naman ng pag-aaral na ito ang mga drama sa telebisyon. Karaniwang kategorya ng drama sa telebisyon ang mga programa tungkol sa trahedya at pag-ibig sa pagitan ng mayaman at mahirap subalit kinikilala sa pag-aaral na ito ang mga drama na isinulat para magbigay-aral at aliw sa mga batang manonood. Bilang isang pag-aaral deskriptibo at historikal, layunin nito sa kabuuan na makaambag sa pagbubuo ng isang komprehensibong kalipunan ng mga impormasyon tungkol sa kasaysayan ng dramang pantelebisyon sa bansa.
Ang programang Hiraya Manawari, isang values education program sa telebisyon na ipinrodyus noong 1995 ng ABS-CBN Foundation, Inc., ang paksa ng pag-aaral na ito. Layunin nitong makilala ang bata sa programa batay sa kanyang naging pagbabago at mga gampanin sa lipunan. Kinikilala ang bata sa programa sa pamamagitan ng pagsusuri sa 20 episodyo ng drama. Kabilang sa pag-aaral na ito ang isang antolohiya ng mga iskrip na isinalin mula sa panonood ng mga sinuring episodyo.
MARCIAL, J. V. (2012). Ang bata sa mga drama ng Hiraya Manawari:Tungo sa panimulang pagbabalangkas ng kasaysayan ng dramang Filipino sa telebisyon. Unpublished Undergraduate Thesis, University of the Philippines, College of Mass Communication.
Mga Keyword: dramang Filipino, dramang pantelebisyon, kasaysayan, Hiraya Manawari, bata