Alam ko ang Sikreto mo? Kilala mo ba ako?

From Iskomunidad
Revision as of 11:12, 14 June 2022 by Iskwiki.admin (talk | contribs) (Text replacement - "http://iskwiki.upd.edu.ph" to "https://iskomunidad.upd.edu.ph")

Abstract

Mula sa mga dyaryo, mga babasahin, radyo at telebisyon ay tinawid na ng pagbabahagi ng sikreto at kumpisal ang plataporma sa mundo ng Internet. Ang The Diliman Files sa Facebook ay isang Confession Page na tumatanggap ng samu’t saring mga kwento mula sa mga hindi kilalang indibidwal na itinago sa mga sagisag- panulat. Ang mga anekdotang ipinapadala rito ay umiikot sa tema ng pag-ibig, pag-asa, problema, pagnanasa, paghanga, isyung panlipunan at iba’t ibang karanasan ng mga mag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Ang kwentong ito ang siyang pumupukaw ng interes ng mga tao at lumilikha ng diskurso sa loob ng plataporma.

Ang pag-aaral na ito ay isang pagsusuri sa plataporma sa loob ng makabagong midya. Gamit ang mga teoryang naka-angkla sa Virtuality at Hyperreality, aking tinukoy ang mga konsepto ng birtwal bilang representasyon, ang birtwal bilang potensyalidad, ang kapangyarihan sa birtwal at ang di-pagkakakilanlan sa birtwal. Sa pagkakasakatuparan ng aking analisis, inilatag at hinimay ko ang mga bahagi ng plataporma upang matukoy ang mga manipestasyong sasagot sa suliranin ng pananaliksik na ito. Mahalagang kontribusyon ng pag-aaral na ito ang konsepto na power shadowing na manipestasyon na susuporta kung paano na ang plataporma ng The Diliman Files sa Facebook ay diskurso at manipestasyon ng realidad.

Keywords: The Diliman Files, Facebook, power shadowing, platform analysis, confessions

Tirona, R. J. C. (2015). Alam ko ang Sikreto mo, kilala mo ba ako?: Pag-aanalisa sa plataporma ng The Diliman Files sa Facebook bilang diskurso at manipestasyon ng realidad, Unpublished Undergraduate Thesis, University of the Philippines, College of Mass Communication.

View Thesis

[[Category: <CMC> Thesis]][[Category:<Broadcast Communication>]]