Paggamit ng Pormularyo sa Sertipiko ng Paglilingkod (Certificate of Service)
Office of the Chancellor
Hunyo 30, 2009
Memorandum Blg. SSC-09-038
Para sa mga : Dekano, Direktor, Kawani, at Kaguruan
Paksa : Paggamit ng Pormularyong sa Sertipiko ng Paglilingkod (Certificate of Service)
Mayroon tayo ngayong dalawang bersyon ng pormularyo ng Sertipiko ng Paglilingkod, isang Pilipino at isang Ingles, na maaaring hingin sa Opisina ng Pagpapaunlad ng Yamang Tao (HRDO).
Pag-alinsunod sa pagpapatupad ng Patakarang Pangwika ng UP na inaprobahan ng Lupon ng mga Rehente noong Mayo 29, 1989 sa kanilang ika-1021 pulong at bilang pagsunod sa probisyong pangwika ng ating Salingang Batas Artikulo XIV seksiyon 7 na nagsasaad na gamitin ang Filipino sa mga opisyal na komunikasyon ang batayan sa pagkakaroon ng bersyong Pilipino ng Sertipiko.
Gayunpaman, nasa inyo ang pagpili kung alin sa dalawang bersiyon ang gagamitin.
SERGIO S. CAO
Tsanselor