Pagsasagawa ng inspeksyon ng City Dengue Brigade ng Quezon City Hall at UP Health Service
From Iskomunidad
12 Agosto 2008
Memorandum BLG CGCG-08-79
Lahat ng mga Dekano, Direktor at Pinuno ng mga Tanggapan
Pagsasagawa ng inspeksyon ng City Dengue Brigade ng Quezon City Hall at ng UP Health Service
- Kaugnay sa inilabas na Memorandum Blg. CGCG-08-75 na may petsang Agosto 8, 2008, ipinagbibigay alam sa inyo na anumang oras mula sa araw na ito ay magsasagawa ng inspeksyon ang City Dengue Brigade ng Quezon City Hall at ng UP Health Service sa inyong Kolegio/kapaligiran upang matiyak ang kaligtasan ng lahat mula sa sakit na dengue.
- Para po sa inyong kaalaman. Maraming salamat.