Kahirapan, Pag-ibig, at Kamatayan sa mga Dulang Pantelebisyon ni Alberto S. Florentino, 1967-1972: Tungo sa Panimulang Pagbabalangkas ng Kasaysayan ng Dramang Filipino sa Telebisyon: Difference between revisions
New page: ABSTRAKT REYES, C. S. (2012). Kahirapan, pag-ibig, at kamatayan sa mga dulang pantelebisyon ni Alberto S. Florentino, 1967-1972: Tungo sa panimulang pagbabalangkas ng kasaysayan ng dra... |
No edit summary |
||
Line 1: | Line 1: | ||
ABSTRAKT | ABSTRAKT | ||
Revision as of 20:17, 23 March 2012
ABSTRAKT
REYES, C. S. (2012). Kahirapan, pag-ibig, at kamatayan sa mga dulang pantelebisyon ni Alberto S. Florentino, 1967-1972: Tungo sa panimulang pagbabalangkas ng kasaysayan ng dramang Filipino sa telebisyon. Unpublished undergraduate thesis. University of the Philippines College of Mass Communication.
Isa sa mga paksang nangangailangan ng atensyon at masusing pag-aaral ay ang kasaysayan at katangian ng dramang Filipino sa telebisyon sa Pilipinas. Tinutugunan ng pag-aaral na ito ang pangangailangang sipatin at siyasatin ang mga kondisyong historikal ng mga dulang pantelebisyon sa kontexto ng kasaysayan ng mediang popular sa bansa. Ang kasalukuyang pag-aaral ay magsisilbing isa sa mga unang hakbang sa pagtunton ng kasaysayang ito.
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagsusuri at paglalarawan ng mga tema sa mga dulang pantelebisyon ni Alberto S. Florentino bago ang Batas Militar. Sa pagsuri ng mga temang ito, ginamit na sentral na gabay ang teorya ng realismo, partikular ang teorya ng realismong panlipunan o social realism.
Ginamit ang archival o documentary research bilang pangunahing pamamaraan ng pangangalap ng datos para sa aking pag-aaral. Sinaliksik ang iba’t ibang silid-aklatan at koleksyong personal ng mga indibidwal upang mangalap ng mga iskrip na sinuri upang masiyasat ang mga tema sa mga nasabing iskrip. Ang pag-aaral ay nakatuon lamang sa mga iskrip ng mga dula at hindi sa mismong produksyon ng mga ito.
Kahirapan, pag-ibig at kamatayan ang mga pangunahing tema ng mga akda ni Florentino. Sa huli ay masasabing ang kanyang mga dulang pantelebisyon ay sumasalamin sa mga realidad at kalagayan sa lipunan at naglalarawan ng isang lipunang hindi masaya – isang bilangguan ng paghihirap at karahasan na mahirap wasakin.
Ang ikalawang bahagi ay ang antolohiya ng mga nakalap na iskrip ng mga dramang pantelebisyon ni Florentino.
KEYWORDS: dulang pantelebisyon, kahirapan, pag-ibig, kamatayan, realismo, social realism, lipunan, bilangguan, Alberto S. Florentino