It is more ‘fan’ in the Philippines: Isang Pag-aaral tungkol sa Buhay ng isang Fan Club at sa mga Kwentong Nakapaloob dito

From Iskomunidad

ABSTRAKT

Ang pag-aaral na ito ay isang pagsilip sa buhay ng isang fan club at sa buhay ng mga fan. Layunin ng pag-aaral na ito na makilala ang mga fan ng lubusan at malaman ang kanilang mga gawain na nagpapakita ng kanilang paghanga. Ang mga miyembro ng Ultimate Friends, isang fan club na humahanga kay Toni Gonzaga ang magiging paksa ng pag-aaral na ito.

Gamit ang etnograpiya bilang pangunahing metodo, ang mananaliksik ay sumama sa mga fan sa loob ng anim na linggo sa kanilang mga aktibidad. Nagsagawa rin ng panayam ang mananaliksik sa ilang mga miyembro para makilala pa sila ng lubos. Ang mga obserbasyon at datos ay binigyang kahulugan gamit ang; teorya nina Henri Tajifel at John Turner (1979) ng "Social Identity at ang mga konsepto ng Cultural Economy (Ekonomiyang Kultural) ni John Fiske (1992), Affective Sensibility (Apektibong Sensibilidad) ni Lawrence Grossberg (1992) at ang Sikolohiyang Pilipino ni Virgilio Enriquez (1992).

Napag-alaman ng pag-aaral na ito na sa pagsali ng mga fan sa isang fan club mas tumataas ang kanilang self-esteem (kagalakang pansarili). Nagkakaroon sila ng identidad sa grupo na kinalaunan ay nagiging bahagi na rin ng kanilang konsepto ng sarili. Marami rin silang mga gawain: gawain bilang mga miyembro ng fan club at bilang mga indibidwal na fan. Ang buhay ng fan club ay hindi lamang umiikot sa kanilang hinahangaan. Ang mga fan ay may kani-kanilang personal na buhay rin, kasama na rito ang mga gawain na kanilang ginagawa bilang magkakaibigan at magkakapamilya sa loob ng kultura ng fan club.

De Lara, R. (2013). It is more ‘fan’ in the Philippines: Isang Pag-aaral tungkol sa Buhay ng isang Fan Club at sa mga Kwentong Nakapaloob dito. Unpublished Undergraduate Thesis, University of the Philippines Diliman College of Mass Communication.

View Thesis [1]

Subject Index: Fans, Fandom, Social Identity Theory, Cultural Economy, Affective Sensibility, Sikolohiyang Pilipino, Ethnography