Tara Tulong Tayo
Sa Nobyembre 14, 2013 5:15 hanggang 6:15 nang hapon, bubuksan po namin ang aming Zumba Fitness class sa lahat nang gustong maghandog nang tulong sa ating mga kababayang nasalanta nang bagyong Yolanda. Lahat po ay iniimbitahan at inaanyayahan namin sa araw na ito. 100% po nang malilikom na pera ay ilalagay sa Sikhay Funds ng UP College of Social Work and Community Development (UP CSWCD) na siya naman pong gagamitin para sa maagap na pangangailangan ng ating mga kababayang nasalanta. Magsisimula po ang donasyon sa 100 piso. Sama sama po tayong mag-ehersisyo, Sama sama po tayong tumulong.