File:Bas Thesis.pdf

From Iskomunidad

Bas_Thesis.pdf(0 × 0 pixels, file size: 1.9 MB, MIME type: application/pdf)

ABSTRAK

Bas, D.M.C (2017) The Political Economy of ABS-CBN’s Coverage of the Mamasapano Clash, Unpublished undergraduate thesis, University of the Philippines College of Mass Communication

Sa pagbabalita ng mga labanan sa Mindanao, may malaking papel ang media sa pagkakalat ng impormasyon sa masa ngunit ang mga Muslim na naging bahagi ng mga labanan na ito ay hindi nabigyan ng pantay na representasyon sa balita kaya lumilitaw ang naratibo ng “Us vs. Them” sa media at nagiging negatibo ang pagtingin sa Islam. Naging pokus ng pananaliksik na ito ang pagbalita ng ABS-CBN sa Mamasapano Clash na naganap noong January 25, 2015 at sinusuri ang mga artikulo na inilabas sa online page ng ABS-CBN. Tinatalakay ng pananaliksik na ito ang media ownership at control dahil isinusuri nito ang relasyon ng pagmamay ari ng ABS-CBN at ang pagbabalita nito tungkol sa Mamasapano Clash. Gamit ang textual analysis, data analysis, at institutional analysis, tinukoy ng pananaliksik na ito ang mga political economic factors na nakaapekto sa pamamalita ng ABS-CBN sa Mamasapano Clash na nagkataon ay naganap kasabay ng pagdinig sa Bangsamoro Basic Law bilang isang bill sa Kongreso. Ginamit ng mananaliksik ang mga konsepto sa political economy na structuration at spatialization bilang bahagi ng theoretical framework at nilipon ang mga artikulo na may kinalaman sa Mamasapano Clash mula sa online site ng ABS-CBN at sinuri ang mga dokumemto mula sa Securities and Exchange Commission (SEC) upang matukoy kung sino ang mga magsusupil ng ABS-CBN at kung ano ang mga investment nila bukod sa media. Natuklasan ng mananaliksik na kahit nabigyan ng pantay na pagbalita ang MILF at PNP base sa bilang ng mga artikulo na inilabas tungkol sa kanila, nagkaroon ng pagkakaiba sa paraan ng representasyon kung saan mas binigyang pansin ang trahedya ng pagkamatay ng SAF 44 sa simuli ng pagbalita ng ABS- CBN tungkol sa insidente. Natuklasan ng mananaliksik na ang mga magsusupil ng ABS-CBN ay maraming investment sa iba’t-ibang uri ng negosyo sa Mindanao na sa tingin ng mananaliksik ay nakaapekto sa pag-frame ng insidente.

Keywords: Representation, Muslims, Moros, Maguindanao, ABS-CBN, News, Political Economy

File history

Click on a date/time to view the file as it appeared at that time.

Date/TimeDimensionsUserComment
current13:39, 18 May 20170 × 0 (1.9 MB)Dcbas (talk | contribs)ABSTRAK Bas, D.M.C (2017) The Political Economy of ABS-CBN’s Coverage of the Mamasapano Clash, Unpublished undergraduate thesis, University of the Philippines College of Mass Communication Sa pagbabalita ng mga labanan sa Mindanao, may malaking pap...

There are no pages that use this file.