File:Lumbrera.jpg

From Iskomunidad
Revision as of 10:18, 10 November 2014 by Rsmoralejo (talk | contribs) (rn off for: Filipino Malugod naming inaanyayahan ang lahat na dumalo sa “Amado V. Hernandez: Dating at Galing sa ‘Bayang Malaya’,” isang lektyur ng Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan Dr. Bienvenido Lumbera sa ika-12 ng Nobyembre 2014, mul...)
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)

Original file(950 × 600 pixels, file size: 314 KB, MIME type: image/jpeg)

rn off for: Filipino Malugod naming inaanyayahan ang lahat na dumalo sa “Amado V. Hernandez: Dating at Galing sa ‘Bayang Malaya’,” isang lektyur ng Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan Dr. Bienvenido Lumbera sa ika-12 ng Nobyembre 2014, mula ala-1 hanggang 2:30 ng hapon sa Pulungang Claro M. Recto, Faculty Center sa may UP Diliman.

Tatalakayin sa lektyur ang ambag sa panitikan at kamalayang pambansa ng batikang manunulat, at kapwa Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan, Amado V. Hernandez.

Isang makata, mandudula, manunuri, guro, historyador ng panitikan, at Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan, si Prop. Bienvenido Lumbera ay nagtapos ng kanyang di-gradwado at gradwadong pag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas (UST), at ng kanyang doktorado sa University of Indiana. Naging guro si Prof. Lumbera ng Panitikan, Araling Pilipino at Malikhaing Pagsusulat sa mga sumusunod na pamantasan, Ateneo de Manila University, De La Salle University-Manila, UST, Osaka University of Foreign Studies sa Japan, Hanover College sa Estados Unidos, Holy Ghost College, at UP.

Libre at bukas sa publiko ang lektyur. Ito ay inorganisa ng Likhaan: UP Institute of Creative Writing bilang bahagi ng kanila Panayam Lecture Series. Para sa mga katanungan at pag-lilinaw, maaari na lamang pong tumawag sa 922-1830.

File history

Click on a date/time to view the file as it appeared at that time.

Date/TimeThumbnailDimensionsUserComment
current10:18, 10 November 2014Thumbnail for version as of 10:18, 10 November 2014950 × 600 (314 KB)Rsmoralejo (talk | contribs)rn off for: Filipino Malugod naming inaanyayahan ang lahat na dumalo sa “Amado V. Hernandez: Dating at Galing sa ‘Bayang Malaya’,” isang lektyur ng Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan Dr. Bienvenido Lumbera sa ika-12 ng Nobyembre 2014, mul...

There are no pages that use this file.

Metadata