UP KAPPP

From Iskomunidad


UP Kalipunan para sa Agham Panlipunan at Pilosopiyang Pilipino (UP KAPPP)


Itinatag Hulyo 3, 2000
Kategorya akademikong organisasyon
Salita Makatotohanan. Makabuluhan. Makabayan.
Punong himpilan Palma Hall, University of the Philippines, Diliman Quezon City, Philippines 1101
Website http://www.fb.com/upkappp
E-mail upkappp@yahoo.com
SANGGUNIANG TAGAPAGPAGANAP
A.T. 2012-2013
Suprema Karla Mae de Leon
Direktor para sa Usaping Panloob Niña Dianne Santiago
Direktor para sa Usaping Panlabas Rienzi Niccolo Velasco
Kalihim John Arvin Buenaagua
Ingat-Yaman Darrell John Magsambol
Punong Mananaliksik Eufemio Agbayani III
Gurong Tagapayo Kerby Alvarez


Ang UP Kalipunan para sa Agham Panlipunan at Pilosopiyang Pilipino o UP KAPPP ay isang akademikong organisasyon ng mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Pangunahing sinusulong nito ang multi-perspektibong pag-aaral ng Pilipinong Agham Panlipunan at Pilosopiya.

Pagkakatatag

Nakaugat ang kasaysayan ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) Kalipunan para sa Agham Panlipunan at Pilosopiyang Pilipino (KAPPP) sa adhikain ng BUKLOD CSSP na maisulong ang isang multi-disiplinaryong pag-aaral ng Agham Panlipunan at Pilosopiyang Pilipino; mapalakas ang paglahok sa mga gawaing pulitikal; at sa pangkalahatan, mapaglingkuran ang kolehiyo, unibersidad, at sambayanang Pilipino. Ito ang naging dahilan upang mabuklod ang mahigit 50 mag-aaral ng UP College of Social Sciences and Philosophy (CSSP) para umpisahan ang pagtatag ng organisasyon noong Hulyo 2000.

Sa pangunguna nina Ja’pee de Leon, Pangulo ng BUKLOD CSSP; Mary Rose Rodriguez, History Representative sa CSSP Student Council, at Atoy Navarro, Gurong Tagapayo ng BUKLOD CSSP; binalangkas ang Saligang Batas ng organisasyon na pinagtibay ng mga kasaping tagapagtatag noong Hunyo 2000. Matapos ito, agad na naganap ang Unang Pangkalahatang Eleksyon para sa pamunuang tagapagtatag ng organisasyon para sa Akademikong Taon 2000-2001. Dahil sa wala pang ipinagkakaloob na tambayan, nangyari ang eleksyon sa tambayan ng UP Lipunang Pangkasaysayan (UP LIKAS) kung saan nahalal sina Mary Rose Rodriguez (Kasaysayan) bilang Suprema, Paul Allan Cruz (Sosyolohiya) bilang Pangalawang Supremo, Paul Andrew Gorgonio (Agham Pampulitika) bilang Kalihim, Lisette Gaspar (Sosyolohiya) bilang Ingat-Yaman, at Ma. Carolina Perez (Sikolohiya) bilang Punong Mananaliksik. Naglilingkod naman bilang Gurong Tagapayong Tagapagtatag si Atoy Navarro.

Mga Lupong Pang-Organisasyon

Ang Sangguniang Tagapagpaganap o ST ang pangunahing tagapangasiwa ng UP KAPPP. Ito ay binubuo ng Supremo, Direktor para sa Usaping Panloob, Direktor para sa Usaping Panlabas, Kalihim, Ingat-Yaman at Punong Mananaliksik.


Ang Lupon para sa Usaping Panloob o Loob ang tagapamahala ng proseso ng aplikasyon,reapirmasyon, resignasyon, suspensyon at ekspalsyon. Ito ang nagpapanatili ng kantidad at kalidad sa mga kasapi ng organisasyon. Pinamumunuan ito ng Direktor para sa Usaping Panloob.


Ang Lupon para sa Usaping Panlabas o Labas ang pangunahing tagapamahala ng lahat ng ugnayan sa UP KAPPP Alumni, sa loob at labas ng kolehiyo at pamantasan, sa isponsors, at sa iba pang mga ugnayang panlabas. Pinamumunuan ito ng Direktor para sa Usaping Panlabas.


Ang Lupon para sa Dokumentasyon at Publisidad o LuDoPu ang gumaganap bilang pangunahing tagapagsadokumento at tagatala ng takbo ng mga gawain at pagkilos ng organisasyon. Ito rin ang pangunahing tagapaglikom, tagasinop at tagapag-ingat ng mga kasulatan, lathalain at iba pang materyales na pang-organisasyon, at naglalabas ng mga publisidad ng organisasyon. Pinamumunuan ito ng Kalihim.


Ang Lupon para sa Lohistika at Pananalapi o LuPapi ang gumaganap bilang pangunahing tagapundar ng suporta at tulong panglohistika para sa mga pangangailangan ng organisasyon. Ito rin ang may hawak ng responsibilidad sa pananatili ng kaayusan ng pagkilos at kagamitang ng organisasyon. Pinamumunuan ito ng Ingat-Yaman.


Ang Lupon para sa Edukasyon at Pananaliksik o LupePa ang gumaganap bilang pangunahing tagapagsagawa at tagapamahala ng mga pananaliksik sa mga isyu't usaping pang-Agham Panlipunan at Pilosopiyang Pilipino. Ito rin ang namamahala sa mga pag-aaral at pagsasanay ng organisasyon. Pinamumunuan ito ng Punong Mananaliksik.

Members

Activities

Announcements

See Also