UP Buklod-Isip
Ang UP Bukluran sa Sikolohiyang Pilipino o UP Buklod-Isip ay isang pang-akademikong oragnisasyon ng mga mag-aaral ng sikolohiya. Pangunahin sa mga isinusulong ng aming samahan ay ang pagtataguyod at pagpapalaganap ng Sikolohiyang Pilipino (SP), isang sikolohiyang tunay na sumasalamin sa diwa ng sambayanang Pilipino at sa gayo'y tunay ding tumutugon sa mga pangangailangan at adhikain nito. Ito'y isang sikolohiyang malaya, mapagpalaya at mapagpabagong-isip.
Itinatag ang Bukluran noong Agosto 14, 1981 at ngayo'y nagdiriwang ng ika-30 anibersaryo nito. Ang unang pangulo nito ay si Roberto Galvez, habang si Dr. Virgilio Enriquez naman ang naging tagapayo. Ang punong himpilan nito ay matatagpuan sa Left Wing, Palma Hall.
Dahil naniniwala ang UP Buklod-Isip sa mahalagang papel ng sikolohiya sa pagsusuri at pagbabago ng lipunan, aktibo itong nakikilahok sa pagtugon sa mga isyung kinakaharap ng lipunang Pilipino. Itinataguyod nito ang pagsasakapangyarihan o empowerment bilang pinakamabisang paraan ng pagtugon sa pangangailangan nating mga Pilipino. Ang mga prinsipyong nabanggit ang siyang gabay ng UP Buklod-Isip sa pagtatag at patuloy na pagtaguyod sa Buklod CSSP, kasama ang iba pang organisasyon. Kabilang din ang Buklod-Isip sa CSSP Academic Circle. Bukod dito, ang Bukluran ay aktibong miyembro ng Tatsulok, ang samahan ng mga organisasyong nagtataguyod ng SP mula sa iba't ibang unibersidad.
Ang Bukluran
Lupong Tagapagpaganap (LT) 2011-2012
Bos Tsip-Tsip: Viktor Andre Fumar
Lupon ng Kasapian (LuKas) Bos Tsip: Katerina Mae Livelo
Lupon ng Pag-aaral at Pananaliksik (LuPag) Bos Tsip: Paulina Monique Sahagun
Lupon ng Ugnayang Panlabas (LupUs) Bos Tsip: Allen Dominic Yu
Lupon ng Gawaing Pangkalinangan (LuGaw) Bos Tsip: Feliza May Garin
Lupon ng Pananalapi (LuPan): Jose Fidel Ramiro
Lupon ng Paglalathala't Publisidad (LuPaP): Pia Angelica Vega
Lupon ng Aklatan (LupAk): Prima Ester Medina
Daluyan: Kevin Michael Moalong
Mga Gawain
- Lingap Kamay: Medical Missions at Teach-Ins
- Pang-akademikong Komperensya: Fora, Discussion Groups at Conferences
- SP Workshops at SP Exhibits
- Tsibugang Pinoy: Pinoy Eating Contest
- Anniversary Night
Mga Affiliate
- UP ALYANSA
- Buklod CSSP
- UP Psychedelics
- CSSP Academic Circle
- Tatsulok PSSP
- Students Pavilions Team (SPT)